Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach net 25

Aga treasure ng Net25

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MARAMING pinagdaanan sa panahon ng pamdemya ang aktor na si Aga Muhlach, sampu ng kanyang maybahay na si Charlene Gonzales at ang kambal na supling na sina Atasha at Andres.

Ibinagsak silang lahat sa magkakaibang lugar ng CoVid-19.

Sa ibang bansa na kasi nananahan ang kambal dahil nag-aaral ang isa sa United Kingdom at ang isa ay sa Spain.

Para kay Aga, hindi nila ikinalulungkot ni Charlene na malayo sa pagkakataong ito sa mga anak.

Nang pinakasalan ko si Charlene at magkaroon kami ng mga anak, tinanggap ko na sa sarili ko na habambuhay na kami ni Charlene ang magkakasama. Dahil at the end of the day,  magkakaroon din ng sarili nilang mga pamilya ang mga bata.

“Sa pamamalagi naman nila sa ibang bansa, paghahanda rin ‘yun sa mga magiging desisyon nila pagdating ng araw, kapag nakatapos na sila. Kung gusto nilang pumasok sa industriya natin, sila at hindi ako ang magde-desisyon niyon.”

Very proud kahit may bahid ng lungkot si Aga sa pagkukuwento ng mga hinarap nila sa panahon ng pandemya. Salamat na nga lang sa mga doktor na nag-asikaso sa kanila sa magkakahiwalay na sitwasyon.

Pasasalamat naman sa Net25 ang hatid ni Aga. Dahil matapos ilunsad ang game show niya, isang magazine show naman ang inihanda sa kanya ng nasabing network na may pamagat na Bida Kayo Kay Aga.

Rito, hindi nga si Aga ang bibida kundi ang mga taong makakasalamuha niya, makakausap, makakadaupang-palad at papasukin ang mga buhay para ihatid at ikuwento sa mga manonood.

Mainit na sinalubong si Aga ng mga bosses ng Net25 gaya nina Caesar R. Vallejos at Wilma Galvante. Na napakalaki ng tiwala sa ibabahagi ni Aga sa pagpapalaganap ng pag-asa sa mga manonood sa bago niyang programa.

Sa ilang taon kong naging artista sa pelikula, napapanood ng mga tao ang mga ginagawa ko. Pero never akong nagkaroon ng pagkakataon na gaya ng mangyayari sa show, makita at makausap sila.

Natutuwa ako na mabigyan ako ng ganitong klase ng show na bababa tayo sa masa, sa mga tao. Na hindi ako gagawa ng show dahil gusto lang nila o para lang sa pera o kikitain ko. Gusto ko na makapagpasaya ng mga tao. Ito ‘yun.”

Sabi nga ni WVR, “Aga is a treasure!”

Kaya kahit nabalita na may nilulutong offer na show si Willie Revillame sa kanya, naitawid ni Aga na masagot ito ng maayos.

Na, oo nag-uusap naman sila ni Willie sa maraming bagay. Pero ang focus niya ngayon at serbisyo eh, sa Net25 na mananatili!

Hindi naman madalas masulat, pero noon pa man, may puso na si Aga para sa mga kapuspalad, para sa masa. Noon pa, isang eskuwelahan na para sa mga bingi ang patuloy niyang tinutulungan. Doon nagbibigay na siya ng pag-asa sa pagtulong sa mga ito na magka-hanapbuhay at maging bahagi pa rin ng lipunan sa maayos na paraan.

Mas lalawak lang ito ngayon sa kanyang Bida Kayo Kay Aga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …