Friday , November 15 2024
knife hand

Tigasing senglot kalaboso sa paglabag ng Omnibus Election Code

NAWALA ang kalasingan ng isang lalaki nang ideretso siya sa selda ng mga awtoridad matapos arestohin dahil sa panghahabol ng saksak sa una niyang nakainuman sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 5 Marso.

Sa ulat mula kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Eliseo Cammado, Jr., nahaharap sa kasong attempted homicide, nadakip sa Brgy. Patubig, sa naturang bayan.

Sa isinagawang imbestigasyon, nabatid na habang iwinawasiwas ang mahahaba at matatalas na kutsilyo ay kinompronta at tinugis ng suspek ang biktima nang walang kadahi-dahilan matapos ang kanilang inuman.

Kahit lasing ay nagawang kumaripas ng takbo ng biktima at nagsumbong sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Nakompiska ng pulisya ang tatlong matatalim na kitchen knives mula kay Camaddo na bukod sa kasong attempted homicide ay nahaharap din ngayon sa paglabag sa Omnibus Election Code. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …