Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin Neil Arce Angelo Colmenares

Ama ni Angel pumiyok pinaka-ayaw na BF ng anak ibinuking

MA at PA
ni Rommel Placente

SA You Tube channel ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, naging guest nila rito ang ama ng aktres na si Angelo Colmenares para sa pagdiriwang nito ng 95th birthday.

Inusisa ni Angel ang ama, kung mayroon siyang ex-boyfriend na hindi nagustuhan nito?

Tanong ni Angel, “Sino sa mga naging ex ko ang pinakaayaw mo?” 

Sabay turo ng aktres sa hawak niyang cue card, “Nandidito, ha! Nakalagay. Ayoko ito tanungin ha!”

Ang mga nakarelasyon ni Angel ay ang namayapang aktor na si Miko Sotto, ang pinsan nito na si Oyo Sotto, Luis Manzano, at Phil Younghusband. 

So, sino kaya sa mga ito ang hindi boto ang ama ni Angel noon para sa kanya?

Inalam din ni Angel ang reaksiyon ng ama nang magpaalam si Neil bago ito nag-propose sa kanya noong 2019.

Happy naman ang tatay ni Angel nang matagpuan nito ang taong nakalaan para sa anak.

First of all, I want you to be in good hands and nasa age ka na,” sabi ng ama kay Angel.

Tanong ulit ni Angel, “Anong lesson tungkol sa pag-ibig ang puwede mong ibigay sa akin?”

Sagot ni Angelo, “Kailangan talaga to be happy in a married life, take good care of each other every day and put Christ in the center of your life.”

Siguradong susundin nina Angel at Neil ang naging payo ng ama para lalong tumagal ang kanilang pagsasama at maging forever na ang pagmamahalan nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …