Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Cristy Fermin Tom Rodriguez

Pera at politika ugat umano ng hiwalayang Tom at Carla

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isa sa episode ng radio program niyang Cristy Ferminute, sinabi ni Cristy Fermin na pera ang dahilan kung bakit naghiwalay ang mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Sabi ni Cristy, “May ipinanganak na namang bagong isyu! Ano, kambal-kambal na isyu ang ipinanganganak tungkol sa kanilang paghihiwalay. Nandiyan ‘yung infidelity issue, gay issue, pagiging kuripot nitong si Tom at makwenta kay Carla at may bago.

“Mayroon daw kasing malaking halaga ang mag-asawa, pera nilang dalawa, na ipinasok sa isang grupo nitong si Tom. May ano ‘to, may kinalaman ito sa politika. Parang party-list. Parang nagbigay siya ng malaking halaga roon sa grupo.

“Eh kaso, niligwak ng Comelec. Hindi nakapasok.

“Pinipigilan na siya pero matigas daw ang ulo nitong si Tom. Pumasok pa rin sa ganoong ano (politika), sugal ‘yan eh, sugal ng buhay ‘yan eh. Pumasok pa rin, anyare? Lumipad ang datung. Walang nangyari, ‘di ba? Nakakaloka.”

So kung pera ang ugat ng hiwalayan nina Tom at Carla, ibig sabihin, hindi nga babae ang rason, gaya ng siasabi ng iba. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …