Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Riding-in-tandem

Riding-in-tandem umatake sa Marilao, Bulacan
MUNICIPAL ADMINISTRATOR NAKALIGTAS SA AMBUSH

HIMALANG nakaligtas ang isang opisyal ng munisipypyo nang tambangan ng magkaangkas sa motorsiklong mga suspek nitong Martes ng umaga, 1 Marso, sa Tibagan, Brgy. Sta. Rosa 2, sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula sa Marilao Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktimang si Wilfredo Diaz, 54 anyos, Marilao Municipal Administrator, at residente sa Brgy. Loma de Gato sa nabanggit na bayan.

Sa ulat, inilarawan na ang gunman ay nakasuot ng kulay kahel na sweatshirt, itim na pantalon, at sombrero, samantala, ang kasama niyang nagmamaneho ng itim na Honda Wave motorcycle, walang plaka, ay nakasuot ng itim na jacket, kulay asul na pantalong maong, at itim na helmet.

Sa inisyal na imbestigasyon, biglang tinabihan ng motorsiklo ang puting Mitsubishi Montero na minamaneho ng biktima dakong 7:45 am kamakalawa papunta sa trabaho saka sunod-sunod siyang pinaputukan.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng San Jose del Monte gamit ang kanilang getaway motorcycle.

Samantala, tila himalang hindi napuruhan ang biktima na nagawa pang makalayo sa lugar at agad nagpunta sa kanyang tanggapan sa Marilao Municipal Building saka ini-report ang pangyayari sa tanggapan ng Marilao MPS.

Sa isinagawang proseso ng PNP SOCO – Bulacan PPO sa sasakyan ng biktima, natagpuan ang walong basyo ng bala ng kalibre .45 baril sa pinangyarihan ng insidente.

Agad nagsagawa ng checkpoint at Oplan Sita ang pulisya ng Marilao MPS para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkaaresto ng mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …