Friday , November 15 2024
Vilma Santos PHLPost commemorative stamp

Vilma sa paglalagay ng mukha sa selyo — Priceless

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HINDI magkamayaw sa pagbubunyi ang Vilmanians ng Star For All Seasons, Congresswoman at nagsilbi na sa pagsusuot ng iba’t ibang sombrero ang itinatangi rin bilang pinakamahusay na magaganap ng kanyang panahon na si Vilma Santos.

Kasi nga, binigyan siya ng karangalan ng Philippine Postal Corporation para magkaroon ng mukha niya sa ating selyo.

Tsika kami ni Ate Vi tungkol sa nasabing karangalan.

Paunang salita nga niya sa kanyang Vilmanians ay, “Maraming salamat sa pagpupugay na ibinigay ninyo sa akin, Philippine Postal Corporation. I am humbled by the recognition. To be immortalized and commemorated on a stamp as one of the Outstanding Filipino Living Legends is priceless. And I am in very good company at that. Maraming, maraming salamat po sa karangalan na ito!”

At ang ibinahaging kuwento.

First reaction ko, Pilarsky ….Nagulat!… Parang , totoo ba ito ??? Kasi gagawin kang immortalized ‘pag nalagay ka sa stamp!!! 

“To be part of the ‘ LIVING LEGEND SERIES OF OUTSTANDING FILIPINOS .. ay karangalan na walang katumbas na halaga !! This is definitely ‘ PRICELESS’ !!!

Salamat sa PAMILYA KO SA INDUSTRIYA NG PELIKULA at sa mga tao at Batangueño na nagtiwala  sa akin para maging isa ring PUBLIC SERVANT! Sa fans at publiko na nagmahal sa akin ng halos 6 na dekada na ! BAHAGI SILA NG PAGKILALA NA ITO !! 

“Kasama kayo roon Pilarsky!!:)) 

Siyempre , PAMILYA KO NA NAGBIBIGAY NG MATIBAY NA INSPIRATION SA AKIN!! 

Love you Pilarsky !!!! 

Thankssssss !Description: 👍Description: 😘Description: ❤️Description: ❤️Description: ❤️

Nagbigay ng tribute sa Commemorative Outstanding Stamps ng 10 Filipinos ang PPO, na itinururing na mga kayamanan ng ating bansa. 

Limang reyna ng Pinilakang-Tabing na kabilang si Ate Vi kahanay sina Gloria Romero, Susan Roces, Rosa Rosal, at Nora Aunor ang pinarangalan, kasama ang basketbolistang si Ramon Fernandez, pintor na si Romulo Galicano, Si Dr. Baldomero Olivera (sceientist), Dr. Ernesto O. Domingo (Filipino, scientist and Physician), at Bowler na si Olivia “Bong” Coo!

Ikalawa sa tatlong  kategorya ng Philippine stamps na ini-release ng Post Office ito sa pagdiriwang ng ika-75 na anibersaryo ng paglalabas ng nasabing selyo na may temang Living Legends: Oustanding Filipinos: Series I.

Ayon kay Postmaster General Norman L. Fulgencio, “The ten (10) Outstanding Filipinos honored by the Post Office have dedicates their lives and talents to the Filipino people. So they deserve to be immortalized in our stamps, to inspire not only Filipinos but every nationality who will see our stamps. We are proud of their accomplishments.”

Salamat: Pagpupugay sa Mga Alamat ang tema ng mga ginawan ng art works ng in-house graphic arts designers na sina Rodine Teodoro, Ryman Dominic Alburadora, at Eunice Beatrix na nag-collaborate ang kanilang pop art stamps.

Sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa Manila Central Post Office sa 8527-0108 o 9527-0132 o sa kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/PilipinasPhilately/.

Ang cute ng ginamit nilang larawan ni Ate Vi sa kanyang pop art stamp!

“Sweet Sixteen” days niya ang naaalala ko!  

Collectors’ item na ito so, kuha na ng inyong serye at 215,000 na kopya lang mayroon ang 10 disenyo. 

About Pilar Mateo

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …