PABOR ang Filipinas sa inihayag na United Nations General Assembly Resolution na kumokondena sa “unprovoked armed aggression” ng Russia sa Ukraine.
Ginanap ang United Nations General Assembly emergency session sa 190 miyembro kaugnay sa usaping pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Binasa ng delegasyon ng Filipinas sa UNGA emergency session ang kalatas na naghahayag ng apela para sa proteksiyon ng mga sibilyan at pagwawakas ng labanan.
“While an offense can be stopped at will, the defense cannot rest until the offense stops.
“We call for massive assistance commensurate with the growing humanitarian crisis and echo the UN Secretary General’s appeal for respect of humanitarian principles to protect civilians and civilian infrastructures in Ukraine.
“The Charter of the UN requires sovereign states to refrain from the use of force against the political independence and territorial integrity of any state.”
Ang pagdaraos ng UNGA emergency session ay bunosd ng paggamit ng veto ng Russia para harangin ang isang Security Council resolution na nagkokondena sa pananakop ng Moscow sa Ukraine at panawagan sa kagyat na withdrawal ng kanilang mga tropa.
Bagama’t bumoto ang Russia laban sa resolution ay wala naman itong veto power para maudlot ang referral nito sa General Assembly alinsunod sa isang 1950 resolution na “Uniting for Peace.”
Ayon sa UN, ito ang unang UNGA emergency special session gaganapin mula 1982. (ROSE NOVENARIO)