HARD TALK
ni Pilar Mateo
LIMA silang Abellana. Puro lalaki. Lahat gifted ng magagandang tinig para umawit.
Dumating naman ang panahon na nakilala sila sa nasabing larangan pero sa paglipas ng panahon, iginiya pa rin sila ng iba’t ibang direksiyon.
Bunso si Dino Abellana. Pero maliit pa lang siya nang magkaroon siya ng album sa ilalim ng G.O.I Records.Panay din ang sali niya sa singing contest.
Three years ago nga sa Tawag ng Tanghalam sa It’s Showtime na napabilib niya ang isa sa huradong si Ogie Alcasid.
Bago pa man umalagwa si Dino sa pagkanta, nagsimula na ang mga kuya niya. Sina Kuya Rey, Kuya Martin, Kuya Noli na sana ang papalit sa trono ng APO Hiking Society dahil napansin na sila ni Jim Paredes that time.
Pero may ibang plano ang tadhana for them. Si Noli for the longest time eh, nanirahan na sa Japan. Si Martin naman, dahil sa health reasons ay sa bahay na lang nananahan. At si Dino na tinamaan ng Addison’s Disease ang nag-aalaga katuwang si Jojo.
Sina Rey at Jojo ang abala sa showbiz.
Si Dino does his thing with gigs left and right kasama ang kanyang tropa na mahihilig din sa musika. He has been supporting the 4th generation ng Hagibis with shows here and there. Also actor and singer Marlon Mance.
Ginagalugad nila ang iba’t ibang music venues para magtanghal-whether events ng reunion, debut, get-together.
Dino is thankful sa suporta ng kanyang mga kaibigang sina Roger Vargas , Panch Esmino, Rizaldy Sabado, Jun Torres, at marami pa. They have been doing business together din all these years. At nagsasama-sama sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar with their big bikes.
Dino is hopeful na one of these days, may maka-appreciate na rin sa taglay niyang tinig. Solo man o kasalo ang mga kapatid at mga kaibigan. Na hindi pa siya napag-iiwanan ng panahon.