MA at PA
ni Rommel Placente
AYON kay Sylvia Sanchez sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, pinagtatawanan lang ng anak niyang si Arjo Atayde ang intriga rito na ginagamit lang nito ang gilfriend na si Maine Mendoza para umusad ang kanyang career.
Sabi ni Sylvia, “Pinagtawanan na lang ng anak ko ‘yun. Pati nga ako, inaakusahan na ginagamit ko raw si Maine dahil wala raw kaming mga career, hindi raw kami sikat.”
Natutuwa naman si Ibyang na nag-apologize sa kanilang pamilya si Maine dahil sa natatanggap nilang pangba-bash.
“Hiyang-hiya si Maine. Nagso-sorry, sabi niya, ‘Tita, I’m sorry’ kasi sinasabi na ginagamit. Ang habol daw namin kay Maine ‘yung milyon niya, ‘yung pera niya.
“Okay lang sa amin kasi alam naman ni Maine ang katotohanan.”
Ani pa ni Ibyang, hindi naman dapat humingi ng sorry si Maine sa kanila, dahil hindi naman ito ang nagsasabi ng regative remarks sa kanila.