Saturday , November 16 2024

Sa San Fernando, Pampanga
PERYANG SUGALAN INIREREKLAMO

HALOS magkaisa ang mga residente ng isang barangay sa lungsod ng San Fernando, sa lalawigan ng Pampanga sa kanilang reklamo kaugnay sa isang peryahan sa kanilang lugar na prente ng kaliwa’t kanang sugalan.

Sa reklamong ipinahatid sa pahayagang HATAW, sinasabing matatagpuan ang naturang peryahan sa Purok 5 Brgy. San Jose, sa nabanggit na lungsod na pinatatakbo umano ng financier na kinilalang si Rommel Garcia, habang isang alyas Edgar ang tumatayong ‘poste’ o sumasalubong sa peryahan na siyang nakikipagtransaksiyon sa mga ‘special people’ na bumibisita sa kanilang puwesto para dumiskarte ng ‘tara.’

Nabatid na bukambibig ng dalawang maintainer, ang kanilang peryahan ay may permit umano mula sa tanggapan ni San Fernando City Mayor Edwin Santiago.

Sa kabila nito, hindi naniniwala ang mga residente ng barangay na bibigyan ng permit ni Mayor Santiago ang peryahang batbat ng sugal na color games, drop ball, at roleta sa loob at ginawa lamang front ang amusement rides.

Lagi rin umanong bukambibig ng dalawa ang isang ‘Col. Marcelo’ na siya umanong nagbibigay ng proteksiyon sa kanilang mga ilegal na sugalan na hindi kapani-paniwala dahil kilala ang dalawa na ‘namedroppers.’

Ipinagtataka ng mga residente na ilang metro lamang ang layo ng peryahang sugalan sa Camp Olivas, sentro ng pulisya sa Central Luzon ngunit tila sila ay mga ‘untouchable.’

Kaya bukod kay Mayor Edwin Santiago, nagtatanong sila kay PRO3 P/BGen. Matthew Baccay kung anong karisma ang mayroon sina Rommel Garcia at alyas Edgar dahil hindi nagagalaw ang kanilang peryahan na prente ng sugalan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …