Saturday , November 16 2024
Bulacan Police PNP

Sa ikalimang araw ng SACLEO sa Bulacan
21 PASAWAY HOYO SA REHAS NA BAKAL

SA PAGPAPATULOY ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PNP nadakip ang 21 pasaway sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo, 27 Pebrero, na nasa ikalimang araw nito.

Sa ikinasang buy bust operations ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng police stations ng Bocaue, Paombong at Pulilan, nasakote ang mga suspek na kinilalang sina Vincent Howard Visconde, alyas Cheng; Julie Ann Dela Cruz, alyas Joan; Jayson Eugenio; Lolita Periña, alyas Lita; Danilo Tañeza, alyas Danny; at Ramill Batusin, alyas Diko.

Nakompiska mula sa kanila ang 18 selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, coin purse, motorsiklo, at buy bust money na ginamit sa operasyon.

Samantala, sa inilatag na anti-illegal gambling operation ng mga operatiba ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), naaresto ang anim na suspek na naaktohang nagsusugal ng ‘pusoy’ kung saan nasamsam ang baraha, mesang gamit sa pagsusugal, at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Kasunod nito, nagsagawa ang mga detective ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga tauhan ng Norzagaray MPS ng magkasanib na operasyon laban sa loose firearms na nagresulta sa pagkakadampot kay Gaudencio Esteban, nakompiskahan ng isang kailbre .45 pistola, magazine assembly, anim na bala, at isang butterfly knife o balisong.

Sa pinaigting na manhunt operations laban sa mga wanted persons, nasukol ang walo kataong pinaghahanap ng batas kabilang ang isang most wanted sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng tracker team ng mga police stations ng Baliwag, Calumpit, Norzagaray, Obando, Pandi, at San Jose del Monte; mga operatiba mula sa 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company at elemento ng PHPT Bulacan at 301st MC RMFB3.

Inaresto ang suspek na kinilalang si William Gurtiza, MWP ng San Rafael MPS sa kasong Rape (RPC Art 266-A) at Statutory Rape samantala ang pito pang wanted persons ay dinakip sa mga kasong Physical Injuries, Estafa, paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act), paglabag sa RA 7610 (Child Abuse Law) at Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting Bulacan PPO director, patuloy ang pulisya sa lalawigan sa walang humpay na pagkilos laban sa mga kriminal para bitbitin sila sa likod ng rehas na bakal upang pagdusahan ang kanilang mga pagkakamali. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …