Sunday , December 22 2024

Leni-Kiko sagot sa hirit na ‘KKK’ ng health sector

022822 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO             

KAHIT puyat mula sa kanilang duty ay lumahok sa motorcade sa Quezon City hanggang Maynila ang may 500 doctors, nurses, health science students, at iba pang health workers bilang pagpapakita ng suporta sa kandidatura ng tambalang Leni Robredo sa pagka-pangulo at Kiko Pangilinan bilang vice presidential bet sa 2022 elections.

Ang grupo na nagbuklod sa ilalim ng Health Sector for Leni and Kiko ay umaayuda rin sa senatorial bid ni dating Bayan Muna partyist Rep. Atty. Neri Colmenares at labor leader Elmer “Ka Bong” Labog.

Kombinsido ang grupo na ang mga plataporma ng mga naturang kandidato ay tugon sa kahilingan ng health sector na tinagurian nilang KKK, Kalayaan mula sa CoVid-19; Kalayaan sa gutom at kahirapan; at Kalayan mula sa mga bansang mananakop .

“We support these candidates based on points in their platform that resonate with concerns of the health sector. We dub this as our KKK electoral tagline. KKK stands for Kalayaan mula sa CoVid-19, Kalayaan sa gutom at kahirapan, at Kalayaan mula sa mga bansang mananakop,” anila.

Ibinatay ng grupo ang pagsuporta sa mga nabanggit na kandidato sa kanilang track record sa mga ipinatupad na programa para sa mga mamamayan.

“We support these candidates based on their integrity, trustworthiness, fearlessness, leadership and patriotism. “

“Specifically, Health Sector for Leni and Kiko calls for a scientific and pro-people CoVid response and other issues that greatly impact people’s lives and health such as: employment, security of tenure, and end of contractualization; stop arbitrary conversion of agricultural land; ensure the protection of our exclusive zone against China in the West Philippine Sea; and the resumption of peace talks,” anila.

Iginiit ng grupo ang kahalagahan ng eleksiyon ngayong taon sa kasaysayan ng bansa kaya’t hindi maaaring magsawalang-kibo o panoorin lamang ang mga kaganapan.

Hindi anila dapat ihalal ang mga immoral, corrupt, at makasariling mga kandidato.

Nasa kamay anila ng mga mamamayan ang pagpili ng wastong desisyon na magbabalangkas ng ating kinabukasan sa susunod na anim na taon.

“Let us not be disturbed by candidates who have money and spread falsities. Instead, let us focus on educating our colleagues to understand the history of previous elections and the performance of past presidential administrations and learn lessons from these,” anang grupo.

Para kay Dr. Violy Casiguran, kaya suportado ng mga doctor si Robredo ay sa dahilang “wala siyang bahid ng korupsiyon, wala siyang ninakaw.

Hindi rin aniya nagsinungaling si Robredo sa mga mamamayan at hanggang sa ngayon ay patuloy siyang tumutulong sa mga nangangailanagn.

Ipinamalas rin aniya ni Robredo ang tunay na malasakit sa medical frontliners at mga pasyente sa magdadalawang taon nang pandemya.

“Nagtayo po siya ng mga tinatawag na dormitory para sa health workers. Siya ang unang-unang nagbigay ng shuttle services upang ang mga health workers ay makarating sa kanilang duty at makapagpahinga sa pagod. Nag-provide din siya ng PPEs o materyales na aming kinakailangan,” ani Casiguran.

“At sa pagpapatuloy ng pandemya, hindi siya tumigil tumulong. Nagkaroon siya ng mga libreng konsulta, nagpamahagi ng mga testing na kinakailangan na hanggang sa ngayon ay kulang na kulang pa rin at binabayaran nang mahal ng mga Filipino. Her track record speaks for itself. Hindi pa man siya kumakandidato ay tumutulong na siya sa mga nasa laylayan o sa mga higit na nangangailangan.”

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …