Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
QC quezon city

3 salvage victims itinapon sa Kyusi

TATLONG hindi kilalang mga lalaki, pawang may tama ng mga saksak sa katawan at marka ng pagsakal sa leeg na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Inilarawan ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Remus Medina ang unang natagpuang bangkay, nasa edad 30-35 anyos, may taas na 5’1 nakasuot ng black T-shirt na may naka-print na MACBETH, nakamaong na pantalon, nakasuot ng gray rubber shoes at itim na medyas; habang ang ikalawa ay nakasuot ng gray polo shirt, black pants, tsinelas; at ang pangatlo ay nakasuot ng puting t-shirt, maong pants, at puting rubber shoes.

Sa report ni P/Cpl. Jerome Mendez ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, unang natagpuan ang bangkay ng biktima bandang 1:00 am nitong 25 Pebrero, sa 11th St., sa kanto ng Broadway Ave., Brgy. Mariana, New Manila, QC, na may saksak sa kaliwang dibdib at may laslas sa kanang pulso.

Bandang 1:43 am, 25 Pebrer0, ay natagpuan ang sinasabing salvage victims na kapwa duguang nakahandusay sa bangketa ng Malasimbo St., Brgy. Masambong, at kapwa may marka nang pagkakasakal sa leeg at mga saksak ng patalim sa dibdib.

Nasa tabi ng mga bangkay ang dalawang cardboard na may nakasulat na “MANDURUKOT HUWAG TULARAN.”

Hinala ng mga awtoridad, posibleng pinatay sa ibang lugar ang mga biktima at saka itinapon sa nasabing barangay.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo upang makilala ang mga salarin. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …