MA at PA
ni Rommel Placente
HININGAN namin ng reaksiyon si Chair Liza Dino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa paglalantad ng dibdib ni Jake Zyrus kamakailan. Ito ay bilang suportado ni Dino ang LGBTQIA+ dahil na rin sa relasyon niya kay Ice Seguerra.
“I admire him and I laud him for celebrating his identity kasi personal kong na-experience sa asawa ko (Ice) ‘yung ano niya, ‘yung struggle pa rin niya to come to terms with who he is.
“Kasi kahit ngayon, tanggap nating lahat na transman si Ice, ang tawag natin sa kanya ay Ice, inirerespeto natin ‘yung pronoun niya, pero siya, ‘yung gumising siya sa umaga, ‘yung physicality niya pa rin as a man, hindi pa rin niya nakikita.
“So, nakikita ko ‘yung struggle na ‘yun kay Ice. So, for Jake to achieve that and be comfortable and happy kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, dapat suportahan natin siya especially nandito tayo sa industry na sa bansa natin ay hindi pa rin ganoon kaluwag at ka-open ang pagtingin sa transmen,” sabi ni Chair Liza sa mediacon ng 6th Film Ambassadors’ Night 2022.