Saturday , November 16 2024
Bulacan Police PNP

Serye ng anti-crime operations inilatag 17 pasaway kinalawit ng Bulacan PNP

SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng Bulacan PNP upang mapigilan ang pagsirit ng mga kaso ng CoVid-19, patuloy ang mga operasyong ikinakasa ng mga awtoridad upang masakote ang mga pasaway sa batas.

Sa ulat na ipinadala nitong Lunes, 21 Pebrero, kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, unang inaresto ang 11 sugarol sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng mga police stations ng Bocaue, Norzagaray, at Meycauayan, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), at 301st MC RMFB3.

Naaktohan ang mga suspek na nagtutupada, at nagsusugal ng tong-its at cara y cruz, na nakompiskahan ng mga manok na panabong, tari, mga baraha, at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Kasunod nito, nadakip ang tatlong indibiduwal kabilang ang isang CICL (child in conflict with the law) sa mga insidente ng krimen na naganap sa mga bayan ng Calumpit at Pandi.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jayson Parungao ng Brgy. Siling Bata, Pandi; Mark Mamaril ng Brgy. Dampol II, Pulilan, kapwa inaresto sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay ng RA 7610 (Child Abuse Law); at isang 15-anyos binatilyo sa paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law).

Gayondin, dinampot ang dalawang lalaki dahil sa paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act) na kinilalang sina Mark Orteza, alyas Toy, ng lungsod ng Pasig; at Christian Joseph David, alyas CJ, ng Brgy. Bagong Pag-asa, Obando sa entrapment operation na ikinasa ng magkasanib ng mga tauhan ng Calumpit MPS at PHPT Bulacan.

Samantala, nagkasa ng search warrant operation sa Brgy. Pandayan, Meycauayan ang mga tauhan ng Meycauayan CPS na nagresulta sa pagkakasamsam ng isang kalibre .38 revolver at dalawang cartridge nito.

Nasukol rin ang isang lalaking matagal nang nagtatago sa batas na kinilalang si Resty Garcia sa inilatag na manhunt operation ng mga tauhan ng Balagtas MPS para sa krimeng Falsification by Private Individuals at paggamit ng falsified documents. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …