Monday , December 23 2024

Kalbaryo ng susunod na pangulo,
PH BAON SA P11.7-T UTANG BILANG TUGON SA COVID-19

MAGIGING kalbaryo ng susunod na Pangulo ng Filipinas ang pagbabayad sa P11.7 trilyong utang, kasama ang P1.5 trilyong inilaan para sa pagtugon sa CoVid-19.

“Looking realistically our situation, we have to pay for COVID. I mean, we cannot just have COVID and not pay for it,” sabi ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III sa ginanap na virtual forum ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) kahapon.

Hanggang noong 14 Enero 2022, umabot sa P1.5 trilyon ang inutang ng pamahalaan para suportahn ang kampanya kontra CoVid-19 mula sa iba’t ibang development partners, local at foreign commercial banks, batay sa datos ng Department of Finance (DOF).

Ayon kay Dominguez, pinaplantsa na ang fiscal consolidation plan para sa susunod na administrasyon na aniya’y magiging “useful in continuing the dynamic recovery of the domestic economy over the next few years.”

“We commit to a seamless transition and stand ready to assist the next administration as it takes over the reins of leadership. The fiscal consolidation plan is just one of the many measures that have to be undertaken by the next administration,” ani Dominguez.

Ikinatuwiran niya na kinailangan gawin ng gobyernong Duterte ang ‘emergency borrowings’ upang matugunan ang malaking gastusin sa CoVid-19 response at masalo ang pagbagsak ng koleksiyon bunga ng mga ipinatupad na lockdown at economic slowdown dulot ng global pandemic.

Nakahanda aniya ang DOF na magsagawa ng briefing sa lahat ng presidential bets at kanilang economic teams upang maipresenta ang kanilang mga ideya kung paano tugunan ang lumolobong utang ng bansa.

“We are ready to brief all presidential candidates and their economic teams, and we will present to them ideas on how to handle the increasing debt,” ani Dominguez sa panayam sa CNBC kamakailan.

Kabilang aniya sa mga posibleng pagmulan ng pondo ng susunod na administrasyon ay ang “carbon tax, a levy on cryptocurrencies, removal of all exemptions from 12-percent value-added tax payments, as well as further hikes of excise taxes on cigarettes, e-cigarettes, alcoholic drinks and sugary beverages.”  (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …