Saturday , November 16 2024
022222 Hataw Frontpage

Sa ilalim ng Duterte Regime
RED-TAGGING KASUNOD NG ARESTO AT PAGPATAY, PADRON NG PANANAKOT  VS CHWs — HAHR

022222 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

MAY umiiral na padron ng pananakot sa pamamagitan ng red-tagging kasunod nito’y pag-aresto at pagpatay sa hanay ng mga manggagawang pangkalusugan sa bansa.

Inihayag ito ni Dr. Reginald Pamugas, secretary-general ng Health Action for Human Rights (HAHR) kasunod ng pagdakip kay Dr. Maria Natividad “Doc Naty” Castro.

Free Dr Naty Castro HAHR

“There is a menacing pattern of red-tagging, arrests and killing of doctors and health workers in the country,” sabi ni Pamugas sa isang kalatas.

Si Doc Naty, isang community doctor at human rights advocate ay sinabing ‘ilegal’ na dinakip ng mga pulis at military, nitong Biyernes, 18 Pebrero 2022, sa kasong kidnapping at iba pang asunto na umano’y kaugnay ng akusasyon na siya’y mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Naglunsad kahapon ng kilos-protesta ang iba’t ibang organisasyon sa ilalim ng Free Dr. Naty Castro Now Campaign sa harap ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) sa Taft Ave., Ermita, Manila bilang kondenasyon sa pag-aresto kay Doc Naty at panawagan na kagyat na palayain at ibasura ang anila’y mga imbentong kaso laban sa kanya.

Kabilang sa mga doktor na naglingkod sa pamahalaan, nagbigay lunas sa mga maralita at nanindigan para sa integridad at katapatan sa serbisyo publiko na pinaslang sa ilalim ng rehimeng Duterte ay sina Dr. Dreyfus Perlas, Dr. George Repique, Dr. Avelex Amor, at Dr. Mary Rose Sancelan.

Hinimok ni Pamugas ang Department of Health (DOH) na bigyang proteksiyon ang frontline doctors, lalo ang mga tumutugon sa panawagan ng gobyerno na magsilbi sa mga liblib na komunidad sa Filipinas.

“We urge the Department of Health to protect frontline doctors, especially those who have answered the government’s call to serve in isolated and remote communities,” ayon kay Pamugas.

Nanawagan si Health Alliance for Democracy (HEAD) chairperson, Dr. Edelina Dela Paz sa Commission on Human Rights (CHR) at mga awtoridad na magsagawa ng “impartial investigation” kaugnay sa paraan ng pagdakip kay Doc Naty at batayan ng mga gawa-gawang kasong isinampa laban sa kanya.

Kailangan aniyang wakasan ang kultura ng walang pananagutan na nag-aanak ng mga paglabag sa karapatang pantao.

               “We call on the Commission on Human Rights and other government authorities to conduct an impartial investigation as to the manner of her arrest and the basis of the trumped up charges. We must end this culture of impunity that breeds human rights violations,” ani Dela Paz.

Giit ni Dr. Julie Caguiat, kaklase ni Doc Naty sa UP-College of Medicine, at isa rin community doctor, mali ang mga akusasyon ng militar kay Doc Naty, hindi siya kriminal bagkus ay isang tagapagtaguyod ng karapatang pantao at community doctor.

“As Executive Director of the Community-Based Health Program (CBHP) in Butuan, Agusan Norte, Dr. Naty provided vital health services to far-flung communities and trained thousands of volunteer community health workers (CHWs) to educate them and treat the basic diseases of their families and communities.  Some of the CHWs are active as paramedical workers and frontliners in their communities in the time of CoVid-19, teaching, organizing and caring for their neighbors and family groups and clusters,” ani Caguiat.

Madalang ang mga doktor na gaya ni Doc Naty na tinahak ang masalimuot na landas ng pagsasakripisyo para makapaglingkod sa mga maralita alinsunod sa aral na kanyang natutuhan sa St. Scholastica’s College-Manila at bilang iskolar ng bayan na nagtapos sa College of Medicine-UP Manila, sabi ni Dr. Magdalena Barcelon, Presidente ng COMPASS (Community Medicine Advocates and Practitioners Association), isang organisasyon ng community doctors.

Noong Nobyembre 2020, si Doc Naty pati ang 32 iba pang progresibong lider ay ini-red-tagged o tinatakang maka-kaliwa at ang kanilang mga larawan at pangalan ay inilagay sa mga tarpaulin na ipinaskil at ipinakalat sa Lianga, Surigao  Sur at Butuan City, Agusan Norte.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …