MA at PA
ni Rommel Placente
GALIT ang tatay ni James Reid na si Malcolm Reid sa mga nagsasabing kaya umalis ng bansa ang anak niya ay para makipagsapalaran sa kanyang international singing career na hindi nag-prosper dito sa Pilipinas.
Nag-post ito ng larawan sa Instagram na magkasama sila ni James na kuha noong ihatid niya ang anak sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong gabing umalis ito patungong Amerika.
Ang caption ni @malreid1, “With James at NAIA a few days ago. On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it. Anything else is basura … sorry to disappoint the fake newsmakers.”
O ‘di ba, tinawag ng daddy ni James na basura ang nga nagpapakalat ng maling balita?