Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Si Isko ang mahigpit na makababangga ni Bongbong

SIPAT
ni Mat Vicencio

HINDI si Vice President Leni Robredo kundi si Manila Mayor Isko Moreno ang mahigpit na makakalaban ni dating Senador Bongbong Marcos sa pagkapangulo sa darating na eleksiyong nakatakda sa Mayo 9.

Ang patuloy na suportang natatanggap mula sa iba’t ibang grupo at indibidwal ay patunay na lumalakas ang kandidatura ni Isko at malamang sa hinaharap ay mismong si Pangulong Digong na ang sumuporta sa kanya.

Patunay rin, sa ginagawang pangangampanya ni Isko, mainit ang pagsalubong sa kanya sa iba’t ibang lalawigan kabilang sa mga balwarte ng kanyang mga kalaban, partikular sa mga probinsiyang sinasabing hawak ni Bongbong.

Sabi nga ng ilang botantate sa tinaguriang “solid north,” sinisiguro nila kay Isko na hindi makakukuha ng landslide vote si Bongbong, lalo sa lalawigan ng Pangasinan.

At kamakailan, ang lahat ng miyembro at opisyal ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ay naghayag ng pormal na pagsuporta kay Isko sa isang seremonya sa Maynila.

Mismong si dating Agrarian Reform Secretary John Castriciones, founding president ng MRRD-NECC ang nagsabing malamang na si Digong ay sumuporta na rin kay Isko sa darating na halalan.

Bukod kay Castriciones, marami rin matataas na politiko na pawang mga kaalyado ni Digong ang sumusuporta ngayon kay Isko tulad ni Martin Diño ng DILG, Aimee Nero ng DSWD, Noel Felongco ng NAPC, Emily Padilla ng DAR, at Dr. Arnold Admat ng CHED, at iba pang mga personalidad.

Kabilang din sa mga sumusuporta kay Isko sina Senator Ralph Recto, ang kasalukuyang lider ng One Batangas, at Rep. Pablo John “PJ” Garcia ng Cebu.

At hindi nga malayong ideklara ni Digong na si Isko ang kanyang magiging presidential bet base na rin sa mga kaganapan at galaw ng mga kaalyado ng pangulo na mukhang patungo ang bulto ng suporta sa alkalde ng Maynila.

Malalim pa rin ang sugat ni Digong at ng kanyang mga kaalyado dahil sa sinasabing ‘napaikot’ ng kampo ni Bongbong si Sara, na nararapat tumakbo bilang presidente at hindi bise presidente.

Ang endorsement ni Digong kay Isko ang hinihintay ng lahat at ito rin ang kinatatakutan ni Bongbong lalo ng kanyang ambisyosang kapatid na si Senator Imee Marcos.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …