Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jolina Magdangal

Jolina inaming  nakaranas ng anxiety

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jolina Magdangal na inaatake siya matinding depression/anxiety. Pero hindi niya sinabi sa mister na si Mark Escueta ang nararamdaman dahil sa pag-aakalang mawawala rin ito.

Sabi ni Jolens sa caption ng kanyang IG post, “For the past weeks, on and off ang worries and anxiety na nararamdaman ko. 

“Hindi ko ito sinasabi kay Mark kasi naisip ko baka lilipas din. Minsan ipinagdadasal ko na ‘wag na ako makaramdam ng negative at ‘wag ko na intindihin ang ibang tao na wala naman din pakialam sa feelings ko.”

At dahil nga sa nararamdamang anxiety, hindi niya minsan makontrol ang kanyang emosyon kaya may mga pagkakataon na nasusungitan niya ang mga anak at si Mark.

Dahil sa worries na ‘yun may times na nasusungitan ko ang mga bata at si Mark, minsan wala ako naiisip na bonding namin.

“Minsan pakiramdam ko, balewala lahat ng efforts ko para magawa lahat ng dapat gawin ng isang nanay sa isang buong araw. 

Minsan humaharap ako sa salamin at sinasabihan ko sarili ko ng ‘huy! Ano ka ba! Umayos ka! Marami ka pang gagawin today at kailangan mo pa asikasuhin pamilya mo,’” aniya pa.

Noong nakaraang Valentine’s Day, may natanggap na surprise si Jolina mula kay Mark na napakalaking tulong para mawala ang kanyang mga pangamba. Sa surprise na ‘yun ni Mark, pakiramdam ni Jolina ay hindi ‘yun araw ng mga puso, kundi Mother’s Day at kaarawan niya.

At ayon sa kanya, napahagulgol siya ng mga sandaling ‘yun.

MOMSH!!! ibang klase talaga si Papa Jesus magbigay ng kasagutan ‘pag malalim na ang nararamdaman natin. Ipinaalala N’ya sa ‘kin na mas madami pa rin akong dapat ipagpasalamat sa buhay ko na makakatalo sa worries ko.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …