Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vaccine Dead

Huling nakita matapos magpabakuna
Caretaker sa Cebu natagpuang patay

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang babaeng caretaker sa isang compound sa Brgy. Sabang, lungsod ng Danao, lalawigan ng Cebu, nitong Sabado ng umaga, 19 Pebrero.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Marivic Jabonelo, walang asawa, residente sa Bien Unido, lalawigan ng Bohol.

Ayon sa imbestigador ng kasong si P/Cpl. Mark Anthony Manulat, huling nakitang buhay ang biktima noong Miyerkoles, 16 Pebrero, na bumalik sa compound mula sa pagpapabakuna ng second dose ng CoVid-19 vaccine.

Pahayag ni Alex Gayas, head caretaker ng compound, natagpuan niya ang katawan ni Jabonelo nang puntahan niya sa kaniyang kubo dahil hindi umano kinuha ng biktima ang kaniyang sweldo.

Ani Gayas sa mga imbestigador, napansin niya ang masangsang na amoy pagpasok niya sa barong-barong.

Isasailalim ng Danao CPS sa awtopsiya ang katawan ni Jabonelo upang matukoy ang sanhi ng kaniyang kamatayan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …