Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leah Tanodra-Armamento

Tanodra-Armamento, bagong CHR chair

ITINALAGA bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) si Leah Tanodra-Armamento kahapon.

Pinalitan ni Tanodra-Armanento ang namayapang dating CHR chair na si Jose Luis Martin “Chito” Gascon. Siya ay namatay dahil sa komplikasyon sa CoVid-19 noong nakaraang taon.

Hindi bago sa CHR si Tanodra dahil naging komisyoner din siya sa ilalim ng kasalukuyan at ikalimang Commission en banc.

Si Tanodra-Armanento ay dating nagtrabaho sa loob ng limang taon sa Office of the Solicitor General bilang associate solicitor, kung saan ay inasistihan niya ang solicitors sa habeas corpus cases.

Nalipat siya sa Department of Justice (DOJ) at mula sa pagiging State Prosecutor ay naging Senior State Prosecutor noong 1991- 2003.

Noong 2003, itinalaga si Tanodra-Armamento bilang DOJ Assistant Chief State Prosecutor, kung saan siya ang naging chairman ng legal panel ng Philippine government (GPH) sa pagrerebyu ng Final Peace Agreement’s Implementation sa pagitan ng GPH at Moro National Liberation Front (MILF).

Naitalaga din siya bilang DOJ Undersecretary.

Nabatid na si Tanodra-Armanento ay nagtapos ng Bachelor of Laws degree sa Ateneo de Manila University School of Law. Siya ay naging fellow din sa Harvard University sa iallim ng John F. Kennedy School of Government noong 2007.

Ayon sa CHR, ang mga kasalukuyang Commission en banc na sina commissioners Karen Gomez-Dumpit, Gwendolyn Pimentel-Gana, at Roberto Eugenio Cadiz ay maglilingkod hanggang 5 May 2022. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …