Saturday , November 16 2024
Guillermo Eleazar

Eleazar umangat sa survey, kampanya pinalakas pa

PINAIGTING ni senatorial candidate at dating PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga aktibidad para makadaupang-palad ang mas maraming Filipino at maipresenta ang kanyang plataporma matapos ang pagtaas ng kanyang ranking sa mga survey.

Nitong Miyerkoles, nagsagawa si Eleazar ng motorcade sa Batangas, ang lalawigang pinagmulan ng ina niyang si Victoria “Toyang” Tolentino Eleazar, ng Sto. Tomas; at maybahay niyang si Rosalie “Lally” Hernandez Eleazar, ng Batangas City.

“Nananalaytay sa aking mga ugat ang dugong Batangueño at binihag naman ang puso ko ng isang Batangueña,” sabi ni Eleazar sa isa mga pakikipagpulong sa mga residente’t lokal na opisyal ng Batangas.

Si Eleazar ang nag-iisang kandidato sa Senado na mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon).

Binisita niya ang mga lungsod ng Batangas, Lipa at Tanauan, at mga bayan ng Cuenca, Rosario, Padre Garcia, Malvar, Tanauan, Sto. Tomas, Ibaan, San Jose, Sta. Teresita, Taal, San Pascual, Bauan, Calaca, Balayan, Tuy, Lian, at Nasugbu sa dalawang-araw na motorcade at mainit na tinanggap ng mga kababayan.

Nagsagawa rin siya ng courtesy calls sa mga local chief executive, na nangakong susuportahan ang kanyang laban sa Senado.

Mula sa 22-24 ranking sa December 2021 surveys ng Pulse Asia at SWS, umakyat si Eleazar sa ranking na 17-19 sa survey ng dalawang kompanya nitong Enero.

Sa mga kumakandidatong senador na nasa “Top 20,” si Eleazar ang nagtamo ng pinakamalaking pag-abante na walong puntos.

“Naniniwala tayo, lalo pang mag-i-improve ang ating ranking at naniniwala ako na ito ay madadala natin sa sipag sa pangangampanya upang makilala pa tayo nang husto ng ating mga kababayan at malaman nila ang aking plano para ipaglaban ang araw-araw na laban sa buhay ng ating mga kababayan,” ani Eleazar.

Base sa datos ng Pulse Asia, nasa 73 porsiyento ng mga na-survey ang may alam na tumatakbong senador si Eleazar.

Kasalukuyang nagsasagawa si Eleazar ng motorcade sa Quezon City, kung saan siya nagsilbi bilang direktor ng Quezon City Police District at nakamit ang unang estrelyang pang-heneral sa pulisya. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …