HARD TALK
ni Pilar Mateo
BUNTIS? ‘DI nga?
Ito na ang kuwento. Ni KitKat! Ng magiging isang ina!
Mga kasama niya sa TBATS (The Boobay and Tekla Show) ang hindi na napaglihiman ng komedyana. Ilang buwan na ang nakararaan.
“Baka kasi itulak ako kaya sinabi ko sa work ko.10 weeks na ‘Ma nung nasabi ko sa kanila. Second tri dapat usually ipinagkakalat, hahaha.
“Noong December 4, dapat may MRI ako kasi 2 weeks na masakit at numb ang braso at shoulders ko. Tapos may reseta na ako ng MRI pero si Walby, my hubby, paulit ulit. Ayaw nya bawal daw. Paulit-ulit siya na ‘BUNTIS KA BABY.’
“Sabi ko ‘Nyek paano ako mabubuntis eh, ‘yung nararamdaman ko magkakaroon na ako. Naka-napkin na nga ako eh.
“Sabi niya, ‘1 week ka nang delayed’. Sabi ko Huh? Hindi ah! Sabi n’ya 1 week na! Alam ko kung kailan ka nagkakaroon kasi binibilhan kita ng napkin. Tapos sabi ko pa eh, baka stressed lang ako.
“’Di ko kasi kabisado kailan ako magkakaroon ‘Ma. Kasi 10 years ako naka-pills. So talagang naka-sked ang menstruation ko. Alam ko agad pag-ubos na ang pills sa isang buwan, in 2 days magkakaroon na ako. Eh, nag-stop ako so, deadma sa dates. Kaya ‘di ko na alam kailan.
“Ang nararamdaman ko lang masakit boobs ko, puson ko at crave ako ng kung ano- ano na normal ko ‘pag magkakaroon ako. Tapos ‘yung nerve pain sa braso normal ko rin kaso dahil 2 or 3 weeks na masakit kaya magpapa-MRI dapat ako.
“Tapos eto na nga bumili ng pregnancy test si Walby. Tawa ako ng tawa.Kasi sabi ko hala ‘di nga tayo naglalab masyado kasi busy ka sa salmon mo eh at ako tapings hahahaha.
“So noong unang pregnancy test tawa ako ng tawa kasi parang joke. Paano ang bilis 2 lines agad! ‘Di ko alam ang ganyan so, sabi ko baka pina-prank ako ni Walby baka fake pregnancy test kit ‘yan. Ayan nakalimang test kits hahahaha. May pang-anim at pito pa nga kasi everyday pregnancy test ako wahahahaha.
“At saka ito lagi sabi ni Walby, ‘iba ang boobs mo ngayon lumaki nang todo pati nipples mo.’ Sa taping lagi ako sinasabihan jollibee kasi ang laki ng pwet ko.
“Sa taping buti role ko kubrador na may pautang so, lagi naka-belt bag so sabi ko ligtas ako sa pag-ipit ng puson. Lumalaki puson ko kaka-coke ko.
“Pwet ko sabi ko ‘syet tumataba ako.’ Tapos sabi ko papatanggal ko na silicone ko sa boobs kasi lumalaki na.
“Kinagabihan may classmate akong OB, nag-teleconsult na ako agad hahahaha.
Tapos after 2 weeks pina-ultrasound niya ako.
“Naka-dalawang ultrasound na ako kasi nga may isang sac pa na ino-observe kaya sa ultrasound titingnan kung may laman na ‘yung isang sac/bag.”
Pwedeng kambal?
“Kasi noong pangalawang ultrasound lumaki pa ‘yung sac/bag na isa pero isa pa lang ‘yung nakitang baby na may heartbeat at growing na. Eh, gaya nga iyong pinsan ni Walby at barkada ko four months na nang nakita na kambal pala ‘yung nasa loob hahaha.
“Alam mo naman tayong mga Kristiyano, Filipino sunod sa pamahiin na huwag mag-announce ‘pag ‘di pa 2nd tri.
“Heheheh pati nga mga sinasabi ng matatanda sinusunod ko. Huwag kain ng talong. Huwag pulupot ng tuwalya sa leeg. Huwag tatanggap at bibili ng gifts for the baby until 7 months hahaha. Sunod ko ‘yun wala namang mawawala!
“Sa work, siyempre alam na agad kasi bukod sa swab na idini-declare eh kulitan at tulakan nga kami roon para maalagaan din nila ako. Grabe rin kasi ang morning sickness ko.
“Actually gusto nga ni Walby ilabas ko na ‘pag manganganak na eh wahahahahaha. Siyempre maganda sa amin muna at grabeng blessing at transition sa buhay namin eto.
“Nakatatawa kasi ‘di ba ang ultrasound reseta naman ng doctor may dates talaga pero ako gusto ko sana every week. OA bukod sa gastos pero kasi siyempre everyday ikot pwet ko anong nangyayari sa loob ng tiyan ko hahahahaha.
“Lahat symptoms mayroon ako pwera ang pangarap kong ANTOK hahahaha.
“Siyempre alam ko buntis ako. Stop as in stop lahat gamot na tine-take ko. Pati pampaganda kaya ampanget ko now dami ko pimples hahaha.
“Ang pinaglilihian ko, yogurt hahaha ‘yun lang mga una kong nate-take nang hindi ako nasusuka. Tapos now pag-crave ako hahanapin ko si Walby kahit madaling araw pero ‘pag nasa harap ko na masusuka ako gusto ko siya na ang kakain. Opo. Jusko may time na laman lang ng ref ko sa room puro yogurt hahaha.
“Tapos nag-aayos ng salmon si Walby sa baba, eh gusto na niya umakyat. Natawa si Walby kasi sa tagal niya umakyat ni lock ko ang door. Ayaw ko siya papasukin wahahahahha.
“Oo ‘Ma! Hahaha Minsan ‘pag may gusto ako ang dami bibilhin ni Walby pero gusto ko isa lang sa mga nabili niya, eh. So, ‘pag nakita ko na ‘yung iba susuka ako.”
Naiyak nang marinig ang heartbeat sa sinapupunan
Maraming pagbabago.
“Thank you Mama. Naku! Minu-minuto mas naging madasalin ako ngayon. Minu-minuto ang pasalamat ko kay Lord. Kahit ultimo umiihi lang. At ‘thank You Lord’ na walang spotting etc. Nakakaiyak nga noong una ko makita may heartbeat si baby at nasa tamang lagayan siya.
“Kainis lang sa mga ultrasound. Bawal ang asawa hehe kaya bini-video ko na lang muna.
“Pati mas mabait daw ako ngayon sabi ni Walby. Haha Hindi ako sumpungin at masungit. Though umiiyak ako sa maliit na mga bagay. Pero normal daw ‘yun sa hormones.
“Minsan nagsalita ang Walby. Sabi “ISIP KO ‘PAG NABUNTIS KA GAANO KA KAYA TRIPLENG MASUNGIT AT SUMPUNGIN? HINDI PALA BALIGTAD ANG SIMPLE AT GAAN LANG. MAS MABAIT KA NOW HEHEHE LAGI NALANG KITA BUNTISIN!
“Nabilib pa mga Sonologist at OB na ‘di ako naggamot or take ng fertility vitamins. Sa 10 years kong pills, pagka-stop sapul agad! Sa dami ko nararamdaman noon, ang healthy ko ngayon. Kami ni baby! sana tuloy-tuloy.
“Dami ko cancelled na tapings at projects noong nag-surge uli ang pandemya. Na-praning na naman ako.
“Isang naniniwala ako ‘Ma, kaya namatay si Chili ko, ‘yung Pomeranian ko na Daddy kasi sinagip niya kami. Siya na lang ang nagkasakit kaysa kami.”
Para sa bagong nanay, kulang na lang na ipagsigawan ang magandang kuwentong nagaganap ngayon sa buhay niya.
Congratulations, KitKat and Walby para sa bagong blessing o blessings ba?
May anghel o mga anghel na lubos na magpapaligaya sa inyong pagsasama!