PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
SUWERTE para kay Angeline Quinto ang kanyang pagbubuntis dahil panibagong achievement na naman ang kanyang naabot matapos tumanggap ng Gold Play Button sa YouTube.
Ibinibigay ang Gold Play Button sa YouTube partners kapag umabot na sa isang milyong ang subscribers ng channel.
Nang isulat namin ito ay mayroon ng mahigit sa 1.08 million subscribers ang singer-actress sa kanyang YouTube channel na Love Angeline Quinto.
Nagpasalamat nga si Angeline sa kanyang subscribers at supporters sa IG post niya. “1 Million THANK YOUs mga ka-Twinkle. sa mga hindi pa natin ka-Twinkle please don’t forget to subscribe, like, share and comment to my youtube channel.
Love Angeline Quinto. Thank you very much.”
Ini-upload ni Angeline ang kanyang first vlog noong May 2018. Kabilang sa most viewed vlogs niya ay ‘yung may kinalaman sa kanyang pagbubuntis pati na ang kanyang house tour. May vlog na rin siya sa paglipat niya sa bagong bahay.