Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ursula Ortiz

Ursula Ortiz abala sa negosyong lip tint

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SI Ursula Ortiz.

May nakakaalala pa ba sa kanya? May nauna sa kanya. Si Rosanna Ortiz.

Pareho silang maganda at sexy.

Ano-ano ba mga pelikulang maaalala sa kanya?

’Yung last ko na ginawa nakalimutan ko na. Pero in-introduce ako sa movie ni Ms. KARLA ESTRADA. Sa ‘Kakaibang Karisma.’

“Ang launching movie ko po ‘yung ‘Nananabik Sa Iyong Pagbabalik’ with Kuya Tonton Gutierrez. Ang sumunod ay ‘yung ‘Nag-Aapoy na Dagat with Julio Diaz, ‘Pilya’ with Kuya Rey ‘PJ’ Abellana,

“’Wala Ka Ng Lupang Tatapakan’  with Kuya Roi Vinzon and  Kuya John Regala, ‘Isa Lang Ang Dapat Mahalin’  with Kuya Daniel Fernando, ‘Akin Ka Lang’  with Bro. Carlos Morales, ‘Uod sa Laman’  with Ms. Criselda Volks and ‘ Nag-Iinit na Damdamin with Ms. Ana Capri. Nakalimutan ko na po ang iba…Haha.”

Hindi na nga umaarte si Ursula pero kung may darating na offer eh, gagawin pa rin niya. For the now, sa TikTokna lang muna siya umaarte.

Nag-start ako sa TV commercials at print ads at nag-model po. Sa ‘Eat…Bulaga!’   rin ako nagsimula. Nanalo ako sa Beautiful Girl (1993) at nakahakot ako ng awards. Proud lang po (Miss Telegenic, 2nd Place Beautiful Girl 1993). Nakuha ko rin ang award as Miss Desire Tawas kaya nakagawa ako ng commercial and print ads for ‘Eat…Bulaga!’

Sa print, nag-model naman ako for Bossini Jeans PH and Apparel, Rebisxo, SMB Jank N’ Jill at marami pa. Pero ‘yan po ang mga memorable. Naging Miss Metro Manila po ako in 1994  at Best in Long Gown ang nakuha kong award.

“Sa TV sa ABS-CBN at GMA-7 ako nakakalabas with the help of Tita Angge na naging handler ko and Tito Eugene Asis and Daddy Mar D’Guzman (R.I.P.)

At kahit naman sa halos mga sexy films ito sumalang noon, hindi siya nagkaroon ng frontal nudity.

Nag-focus na si Ursula sa pamilya niya nang mawala sa eksena. Kaya magpa-hanggang ngayon, mga mumunting negosyo ang ginagawa niya. Lalo sa pagpapaganda.

Katuwaan at libangan lang itong Princess Melody lip tints. At ang mga kaibigan at kakilala ko ang nagiging suki ko.

“Marami pong naidulot sa akin ang pandemya. Unang-una po sa lahat mas lalo po ako napalapit sa Diyos. ‘Yung dati na pagiging madasalin ko noon, mas naging triple pa ang naging pagdarasal ko kasi ang dami-rami ko po kasing kinatakutan. Hindi lang po halata kasi medyo makulit po talaga ako at may pagka-isip bata. Haha. Pero  masayahin lang ako talaga.

“Ang mga bagay pa po na naidulot  sa akin ng pandemya eh, mas lalo ko po binigyan ng oras at panahon ang aking mga magulang at kapatid. Medyo natuto na po ako magpatawad sa mga taong nagkasala sa akin.. medyo lang po ha. Hehe. Wala naman pong perpekto ‘di po ba? Tao lang din po ako nasasaktan at nasasaktan pa rin hehehe joke po.”

Naaliw ako at pinadalhan niya ako ng samples ng kanyang lip tints at eyebrow soap din. Ngayon ko lang na-encounter ito. Kakaiba ang packaging. Kaaya-aya.

The seven variants ng lip and cheek tints ng Princess Melody are Princess, Susan, Marlyn, Ella, Mahal, Mhika at syempre Ursula!

Visit her FB page for more info. 

Sana nga umarte pa siya uli! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …