Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Oyo Sotto Kristine Hermosa Dina Bonnevie

Oyo ibinuking, Kristine ‘di feel ni Dina

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG mag-guest ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa sa vlog ni Toni Gonzaga, ibinisto ng anak ni Vic Sotto na  na noong una ay ayaw ng mga kamag-anak niya, maging ang kanyang  mommy na si Dina Bonnevie si Kristine para sa kanya.

Kuwento ni Oyo,”Mataray daw. Actually ‘yun ‘yung mga sinasabi ng pinsan ko sa akin dati. Kahit ‘yung mom ko noon sabi, ‘Masama raw ugali niyan.’  As in ganoon ‘yung sinasabi sa akin.

“Sabi ko naman, ‘Alam ko na ‘yung mga chismis na ganoon, Ma.’ Pero iba kasi kapag nakakausap mo na ‘yung tao. Totally opposite talaga.

“Talagang what you see is what you get. ‘Yun ‘yung nagustuhan ko, hindi siya showbiz. Isa siya roon  sa mga tao na totoo lang siya talaga.

“‘Yan’ yung gustuong-gusto ko sa kanya, na behind the camera ‘yun siya. Kapag nakaharap siya ‘yun siya. Kapag galit siya, galit siya. Kapag asar siya, asar siya. Kapag good mood siya, good mood siya.

“I don’t want to take the credit. Si God talaga. Kasi nakita ko rin na talagang she was really praying na ‘Sige Lord, talagang magsa-submit ako sa husband ko. Kung ganyan ang kailangan kong gawin, lie low muna, huwag muna ako mag-work, siya muna, sige,” sabi pa ni Oyo tungkol kay  Kristine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …