Friday , November 15 2024

Magandang kombinasyon
LENI – SARA INENDOSO NI SALCEDA

021122 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO

HABANG ang karamihan sa mga kasamahan niya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay tumaya sa tandem ng Ferdinand Marcos, Jr., at Davao City mayor Sara Duterte, isang kongresista ng Albay ay nanawagan para sa Leni Robredo at Sara (Duterte) tandem.

“I am for Leni and Sara,” ayon kay Albay Rep. Joey Salceda.

Naniniwala si Salceda na maganda ang track record ng dalawang kandidato sa serbisyo publiko at ang kanilang estilo ng pamamalakad.

“I have long followed and studied their track record in public service, especially good governance and management style. Both VP Leni and Mayor Sara are known for judicious and effective use of public resources in the offices and agencies they presided over,” ani Salceda.

Aniya, nababagay ang dalawa upang makabangon ang bansa sa hirap dulot ng pandemya.

“Both inspire investor confidence. I first publicly announced my support for VP Leni in a forum of 500 local and foreign investors, hosted by a major global bank. This announcement was very well-received. I also first signaled my support for Mayor Sara back in March last year, in another international forum hosted by a different global bank based in Singapore, and that announcement helped trigger a local stock market boom, especially for stocks with Singaporean equity,” paliwanag ni Salceda, isang ekonomista.

“In other words, people with the capital and confidence this country needs to feel optimistic about our prospects with VP Leni and Mayor Sara.”

Samantala, sinabi ng kongresista, ang partido niyang PDP-Laban ay inendoso si Mayor Sara, pero walang indendosong kandidato para presidente.

“Hence, we party members are free to choose according to our own judgment and conviction. Based on my conversations with many political leaders, Albay officialdom, including members of my party, is hugely Leni-Sara,” aniya.

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …