Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
2 MENOR DE EDAD, 14 PA NAKALAWIT NG PULISYA

SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng Bulacan PNP upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19, nadakip ang dalawang menor de edad, tatlong magnanakaw, dalawang drug suspects, at siyam na wanted persons hanggang Martes ng umaga, 8 Pebrero.

Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, dinampot ang limang suspek sa magkakahiwalay na insidente ng krimeng naganap sa bayan ng Bocaue at mga lungsod ng Malolos at Meycauayan.

Nadakip ang dalawang CICL (children in conflict with the law) sa panloloob (Robbery), una ay isang 17-anyos na lalaki sa Brgy. Pantoc, Meycauayan; at isang 14-anyos mula sa Brgy. Ligas, Malolos.

Gayondin, nasakote ang tatlong suspek sa pagnanakaw (Qualified Theft) na kinilalang sina Joselito Francisco ng Brgy. Sulucan; John Melchie Leonardo ng Brgy. Bambang; at Ryuichi Takatsu ng Brgy. Igulot, pawang sa bayan Bocaue.

Samantala, timbog ang dalawang hinihinalang mga drug peddlers sa magkahiwalay na buy bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pulilan at San Rafael kasama ang Provincial Intelligence Unit (PIU).

Kinilala ang mga suspek na sina Mark John Benavidez, alyas Charlie, ng Binondo, Maynila; at Felix Baricuatro ng Brgy. Tinejero, Pulilan, nakompiskahan ng sampung pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Nahaharap sa mga reklamong kriminal ang mga arestadong suspek na kasalukuyang inihahanda para isampa sa korte, samantala, ang mga menor de edad ay ita-turnover sa CSWDO para sa kustodiya at naaangkop na disposisyon.

Nasukol din ng tracker teams ng Balagtas, Hagonoy, Marilao, Pandi, San Miguel, at San Jose del Monte MCS/CPS, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), mga elemento mula sa Palayan CPS, Bongabon MPS (Nueva Ecija PPO), 301st MC RMFB3, 24th Special Action Company (SAF), PHPT Bulacan at 3rd SOU Maritime Group ang siyam na wanted persons sa iba’t ibang manhunt operations sa bisa ng warrants of arrest.

Kinilala ang mga arestadong wanted persons na sina Antonio Sumera ng Brgy. San Pascual, Hagonoy, sa paglabag sa RA 10654 (Philippines Fisheries Code); Jay Camalla, alyas Jing, ng Brgy. Cacarong, Pandi, sa paglabag sa RA 7610 (3 counts); Reggie Lauriaga ng Brgy. Poblacion, San Miguel, para sa Statutory Rape; Reynaldo Mateo, alyas Palay, ng Brgy. Bagong Buhay III, San Jose del Monte, sa kasong Rape; Ally Alianza ng Brgy. Prenza I, Marilao para sa Frustrated Murder; Ricky Suarez, Jr., ng Brgy. Lambakin, Marilao sa paglabag sa RA 7610 Sec. 5(b) Sexual Abuse; Iris Ilagan at Antonio Miranda, alyas Junel, kapwa ng Brgy. Camangyan, Sta. Maria, sa kasong Malicious Mischief; at Jerico Naypa ng Natividad, Nueva Ecija para sa paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station ang lahat ng akusado para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …