INAPROBAHAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan ang isang ordinansang naglilimita sa paggalaw ng mga indibiduwal na hindi bakunado laban sa CoVid-19.
Nilagdaan ni Bataan Gov. Albert Garcia ang Provincial Ordinance No. 2 Series of 2022, na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay at pagsakay sa mga pampublikong transportasyon ng mga hindi bakunado.
Gayonman, exempted rito ang mga nangangailangan ng essential goods at services ngunit dapat magpakita ng katibayan na masusuportahan ang dahilan sa paglabas o paglalakbay.
Sakop ng regulasyon ang mga hindi residente ng Bataan na nagtatrabaho at naglalakbay sa lalawigan.
Samantala, mahaharap ang mga lalabag sa ordinansa sa multang P5,000 o pagkakakulong ng hindi hihigit sa isang taon, o pareho, batay sa pagpapasiya ng hukuman. (MICKA BAUTISTA)