Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlos Dala Jonathan Ivan Rivera

Cast ng Finding Daddy Blake thankful sa kanilang produ

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

INIHAYAG ng cast ng Finding Daddy Blake na dumalo sa birthday party ng producer nitong si Marc Cubales ang kanilang pasasalamat sa mabait nilang producer sa ginagawa nitong pagtulong sa mga artista at sa entertainment industry.

Nanguna nga sa pagpapasalamat at pagbibigay ng birthday wish para kay Marc ang mga bida ng Finding Daddy Blake na sina Carlos Dala at Jonathan Ivan Rivera.

Ayon kay Carlos, “Importante kasi ‘yung mga producer ngayon lalo na ‘yung mga bago na alagaan ng mga direktor at ng production. I just wish na with his love to the industry he gets the same love and support also. And sana this film will have a great turn out para sa kanya like ‘yung return of investment, awards and more para he will be more encouraged to make and produce more movies.”

Puno naman ng papuri si Ivan para kay Marc, “The first time I met our producer Sir Marc I’m already amazed by his generosity. Our producer is a provider to the providers of families. So, thank you and may he continued to be blessed in all his endeavors as well as in his businesses.”

May wish din para kay Marc ang co-producer at co-actor niya sa pelikula na si Joyce Pilarsky, “I just wish for him success and blessings of God.”

Mensahe naman ni Direk Jay Altarejos kay Marc, “Maraming salamat for the trust. With Marc I don’t have to think about the financial worries or anything. I’m just concentrating on the creative side of it. Sobrang ang sarap sa pakiramdam!”

Magandang simula ito para sa produksiyon ni Marc at sa Finding Daddy Blake na sa una pa lang ay nagkaroon na agad sila ng masaya at makabuluhang bonding sa media launch at birthday party.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …