Sunday , December 22 2024
Dragon Lady Amor Virata

‘Yun pala ang ‘calling’ sa city jail

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

KUNG ikaw ay may presong gustong dalawin sa Pasay City Jail, hindi puwede ngayon pero kung may bitbit kang pasalubong tulad ng pagkain, puwede mo ito ipaabot sa mga duty jailguard.

Suwerte lang kung lahat ng pagkain na dala mo ay makarating sa presong gusto mong dalawin… sana. Kala mo, lusot na ang dala mo? No… no… no! Need mo magbayad ng P50 hanggang P200 depende sa antas ng buhay mayroon ang dalaw mo?

Ang tanong, para saan ‘yung ibabayad mo? Ito ‘yung tinatawag nilang ‘calling.’ Ang malilikom dito ay hindi natin alam kung saan napupunta.

Puwedeng sa pagkain ng duty jailguards kasama na ang meryenda! Puwede rin naman hati-hati lang para sa pasahe.

Ang tanong, bakit may bayad? At para saan? Pakipaliwanag lang po. Kung sino ang gustong sumagot diyan sa Pasay City Jail! Bukas ang kolum ko para sa inyong paliwanag, kung hindi kayo sasagot, abangan po ang iba ko pang natuklasan sa loob ng Pasay City Jail.

ROSE NONO LIN
IPAGLALABAN
ANG KARAPATAN

IDUDULOG sa korte ng negosyanteng si Rose Nono Lin ang utos na pag-aresto sa kanya ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa hindi niya pagdalo sa dalawang magkasunod na pagdinig sa multi-billion deal ng Pharmally Pharmaceutical Corp (PPC) at ng Department of Budget and Management (DBM).

“Ipaglalaban ni Ms. Rose ang kanyang karapatan para protektahan ang kanyang sarili hinggil sa hindi makatarungang warrant of arrest laban sa kanya,” ayon sa abogado nil Lin na si Atty. Alma Malongga.

Si Lin ay stockholder sa nagsarang Pharmally Biological Pharmaceutical Company (PBPC), na ayon sa Blue Ribbon Committee ay may kaugnayan sa Pharmally Pharmaceutical Corp. (PPC), ang kompanyang nakakuha ng pinakamalaking bahagi ng umano’y maanomalyang multi-bilyong kontrata para sa supply ng mga personal protective equipment (PPE) sa panahon ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

Ayon kay Mallonga, walang ebidensiya na magpapatunay na may kaugnayan ang PBPC sa PPC kahit pa lumabas sa imbestigasyon na may isang nagngangalang Huang Tzu Yen na tumatayong direktor sa parehong kompanya.

Lumalabas din sa imbestigasyon na si Lin Weixing, asawa ni Lin, ay financial manager ng PPC. Iginiit ni Mallonga, “Walang pinapatunayan ang nasabing mga dokumento hinggil sa akusasyon na may kaugnayan ang kompanya ni Lin sa kontrobersiyal na Philippine Pharmaceutical Company.”

Sa isang sulat, umapela si Malongga kay Senator Richard Gordon at mga kasamahan nito sa Blue Ribbon Committee na bawiin ang inilabas na warrant of arrest laban kay Lin dahil may balidong dahilan ang hindi pagdalo ni Lin sa pagdinig ng komite noong 21 Disyembre 2021 at 27 Enero 2022.

Ipinaliwanag ni Malongga sa komite na nag-positibo sa CoVid-19 ang kanyang kliyente noong Disyembre 2021, at nasa isla ng Guimaras noong 27 Enero para alamin ang kalagayan ng kanyang mga magulang at iba pang pamilya dahil isa ang nasabing probinsiya sa malubhang sinalanta ng bagyong Odette.

Aniya, walang koryente sa Guimaras ng mga panahon na ‘yun kung kaya’t imposibleng makadalo sa pagdinig ng Blue Ribbon sa pamamagitan ng internet.

Ayon sa abogado, maliwanag na hindi binalewala ni Lin ang imbitasyon sa kanya ng Blue Ribbon, at sa katunayan dinaluhan nito ang anim na mga unang pagdinig ng Senado.

Kaugnayan ng kanyang apela, tiniyak ni Mallonga ang patuloy na kooperasyon ng kanyang kliyente sa Senado.

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …