Friday , November 15 2024
San Jose del Monte CSJDM Police

Sa SJDM City, Bulacan
MOST WANTED RAPIST, 2 KRIMINAL NASAKOTE

MAGKAKASUNOD na nasukol ng mga awtoridad ang tatlong lalaki, kabilang ang dalawang pinaghahanap sa kasong panggagahasa, sa ikinasang anti-criminality operation sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 5 Pebrero.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang most wanted person ng lungsod kabilang ang dalawang pinaghahanap na mga kriminal sa serye ng manhunt operations na isinagawa ng tracker team ng San Jose del Monte CPS, 301st MC RMFB, 24th Special Action Force, PHPT Bulacan, at 3rd SOU-Maritime Group.

Kinilala ang mga suspek na sina John Anthony Magsino, alyas TJ, ng Brgy. Kaypian, nakatala bilang most wanted person ng lungsod para sa kasong Rape; Roberto Naval, alyas Turunggoy, ng Bgry. Minuyan 5, para rin sa kasong Rape; at Lito Borcena ng Brgy. Muzon, sa paglabag sa RA 9262 o An Act Defining Violence Against Women and their Children.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga akusado sa custodial facility ng San Jose del Monte CPS at nakatakdang iharap sa korte para sa mga nakabinbing kaso. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …