Sunday , December 22 2024
Duterte, Pharmally, Money

Sa pagbuo ng Pharmally deal main actors,
DUTERTE DAPAT MANAGOT PERO
Oras sa impeachment kapos

HINDI makatatakas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananagutan sa pag-assemble ng main actors/ characters ng maanomalyang Pharmally deal, ayon kay Sen. Risa Hontiveros.

“For sure, ang accountability ni President Duterte for assembling the main actors or characters, hindi siya makatatakas doon. Whether sa isang hypothetical impeachment court or ‘yung court of public opinion,” sabi ni Hontiveros sa panayam sa After the Fact sa ANC kagabi.

Kabilang sa main actors/characters ng Pharmally deal na pawang presidential appointees ay sina dating Presidential Economic Adviser Michael Yang, dating Procurement Service- Department of Budget and Management (PS-DBM) chief Christopher Lao, at dating assistant niya at ngayo’y Overall Deputy Ombudsman Warren Liong.

Batay sa partial report ng Senate Blue Ribbon Committee sa 2020 Commission on Audit (COA) report, kaugnay sa paggasta ng Department of Health (DOH) sa pondo para labanan ang CoVid-19 partikular sa pagkorner ng Pharmally Pharmaceutical Corporation ng P12-bilyong halaga ng medical supplies contract,

imbes tulungan ang Senado sa imbestigasyon, mas pinili ni Pangulong Duterte na siraan ang COA, pagbantaan ang Senado at mga senador.

Sinabi ni Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon, matatadtad ng kaso si Pangulong  Duterte pagbaba sa puwesto sa 30 Hunyo 2022 gaya ng negligence of duty at inciting to sedition.

Ang pambubuska, panlalait at pagmumura aniya ni Pangulong Duterte sa COA, Senado at mga senador ay maituturing na inciting to sedition.

Ngunit mas kursunada ni Gordon na ordinaryong tao ang magsampa ng mga kaso laban kay Duterte at ang Blue Ribbon Committee report ang magiging basehan ng asunto.

Para kay Gordon, nagawa na niya ang kanyang tungkulin na imbestigahan ang maanomalyang multi-bilyong kontratang nasungkit ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa administrasyong Duterte.

Naniniwala ang senador na ang kaso ng Pharmally ay hindi makaaapekto sa tsansa niyang muling maluklok sa Senado dahil marami ang hindi naniniwala kay Pangulong Duterte.

“No, it will not affect the chances of my reelection, principally because I think a lot of people do not believe the president anymore. I don’t run on the basis of Pharmally. I run on the basis of my long-standing record,” sabi ni Gordon.

Kahit impeachable offense aniya ang betrayal of public trust na ginawa ni Pangulong Duterte sa kaso ng Pharmally, kapos na ang oras para isulong ang impeachment case laban sa Punong Ehekutibo dahil wala nang session ang Kongreso sa susunod na linggo at sa Mayo o Hunyo na ang kanilang balik. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …