Saturday , November 16 2024
Arrest Posas Handcuff

Sa Angeles City, Pampanga
4 NAGPAPAKALAT NG PEKENG PERA NASAKOTE NG NBI

ARESTADO ang apat kataong pinaniniwalaang nagpapakalat ng mga pekeng pera sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Sa pahayag na inilabas ng ahensiya nitong Martes, 2 Pebrero, kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga suspek na sina Joeylyn Castro, Virgilio Yalung, Zenia Andres, at Marilyn Lucero.

Nabatid na unang nakipag-ugnayan ang NBI sa Payments and Currency Investigation Group, Office of the Assistant Governor, Payments and Currency Development Sub-Sector, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa lokal na awtoridad upang mahuli ang mga suspek.

Nagtungo sa isang money changer sina Yalung at Castro ngunit hindi pinalitan ang dala nilang dolyar dahil peke at sa pagkakataong ito ay nilapitan na sila ng mga awtoridad at inaresto.

Nakompiska mula sa kanila ang 78 piraso ng pekeng US dollar bills na may iba’t ibang serial numbers.

Matapos ituro nina Castro at Yalung ang pinanggagalingan ng mga pekeng dolyar, agad nagsagawa ng follow-up operation ang NBI hanggang matimbog sina Andres at Lucero sa Bamban, Tarlac.

Kasalukuyan nang nakadetine ang mga suspek na nahaharap sa kasong Illegal Possession, at Use of False Treasury o Bank Notes. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …