Saturday , November 16 2024

Kahit wala na sa Comelec si Guanzon,
KAMPANYA PARA SA DQ NI MARCOS JR., TULOY — BAYAN

020322 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario

HINDI nagtatapos ang laban para sa diskalipikasyon sa anak ng diktador at presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa 2022 elections sa pagreretiro ni Commissioner Rowena Guanzon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes, Jr., buhay na buhay ang kampanya para idiskalipika si Marcos, Jr., at nagmumula sa mga mamamayan na naghahangad ng pagbabago sa pambansang politika.

            “The fight to #DisqualifyMarcos does not end with Guanzon’s exit from the Comelec. The campaign is very much alive and emanates from the people who truly desire change in our national politics,” ayon kay Reyes.

Nagpapasalamat aniya ang Bayan sa matatag na paninindigan ni Guanzon sa Marcos disqualification case at pagsisiwalat sa maniobrahan sa loob ng Comelec.

Ang expose aniya ni Guanzon ay dapat kagyat na imbestigahan ng Comelec at ng Senado.

Giit ni Reyes, nakalulungkot at nakagagalit na ang boto ni Guanzon para madiskalipika si Marcos, Jr., ay hindi nabilang dahil sa kanyang pagreretiro sa poll body kahapon.

Ang pag-aantala at maniobra sa desisyon ay masyadong garapal, ani Reyes.

Nauna rito’y ibinisto ni Guanzon na sinadya ni Commissioner Aimee Feralino na iantala ang resolution sa DQ case dahil inimpluwensyahan ng isang senador na malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Once again we see how power and influence undermine the electoral exercise and deny people the justice they deserve,” sabi ni Reyes.

“The ruling elite are able to circumvent and violate our laws and are granted a free pass,” dagdag niya.

Umaasa ang Bayan na ipagpapatuloy ni Guanzon ang adbokasiya para sa electoral reforms kasama ang kilusang masa.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …