RATED R
ni Rommel Gonzales
IPINAGDIRIWANG ngayon ni Zoren Legaspiang kanyang 50th birthday.
Noong January 24, muling sumalang sa lock-in taping si Carmina Villarroel para sa GMA primetime series na Widows‘ Web kaya naman hindi niya makakasama ang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan nito.
Pero si Zoren na mismo ang nagbigay ng sorpresa para makita nila ang isa’t isa sa espesyal na araw na iyon.
“The birthday boy surprised me! So near yet so far. I can’t kiss or hug him so virtual hugs and kisses na lang. Thank you tatay. Convoy na lang going to our location,” pagbabahagi ni Carmina.
Katulong din ni Zoren sa isinagawang sorpresa ang anak na si Cassy na abala rin sa taping ng First Lady na eere na sa Valentine’s Day sa GMA.
Ikinasal sina Carmina at Zoren noong November 15, 2012 at biniyayaan ng dalawang anak na sina Cassy at Mavy.
Happy birthday, Zoren Legaspi!