HINDI papayagan ang tila ‘paghuhugas-kamay’ ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa ninakaw na pera ng mga guro habang nakalagak sa banko.
Iginiit ni labor lawyer at counsel ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) long-time counsel Luke Espiritu na obligado ang Landbank na maging metikuloso sa pag-iingat sa pera ng mga guro dahil kapag nawala ito habang nasa pangangalaga ng banko ay mananagot sa batas.
“𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑝u𝑤𝑒𝑑𝑒𝑛𝑔 𝒉𝑢𝑔𝑎𝑠-𝑘𝑎𝑚𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝐿𝑎𝑛𝑑b𝑎𝑛𝑘 𝑑𝑖𝑡𝑜. 𝑂𝑏𝑙𝑖𝑔𝑎𝑑𝑜 𝑠𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑒𝑡𝑖𝑘𝑢𝑙𝑜𝑠𝑜 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑔 𝑝𝑒𝑟𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑢𝑟𝑜. 𝐷𝑎𝒉𝑖𝑙 𝑚𝑖𝑠𝑚𝑜𝑛𝑔 sa kanilang pangangalaga na𝑤𝑎𝑙𝑎 a𝑛𝑔 𝑝𝑒𝑟𝑎, 𝑚𝑎𝑦 𝑠𝑎𝑔𝑢𝑡𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑎𝑔𝑎𝑑 𝑠𝑖𝑙𝑎 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑏𝑎𝑡𝑎𝑠,” ani Espiritu kahapon.
Kombinsido ang TDC na ang hanay ng mga guro ang lubos na apektado sa kapabayaan ng Landbank.
“Teachers are yet again at the receiving end of institutional neglect, this time, from the very institution entrusted with the sacred trust of protecting their hard-earned savings, the Land Bank of the Philippines (LBP),” pahayag ni Benjo Basas, national chairperson ng TDC, sa isang kalatas.
Naging target aniya ang mga titser ng lantarang pag-atake sa kanilang kakarampot na pera sa banko na hindi napigilan ng Landbank.
“Adding insult to injury, the LBP quickly dismissed our initial reports as mere ‘isolated incidents’,” but the coming out of more teachers reporting the same anomalies gives credence to the suspicion that these could very well be targeted attacks,” aniya.
Iniulat ng TDC ang mga naturang insidente sa Department of Education (DepEd) at ang kanilang liham ay inendoso ng kagawaran sa Landbank.
“But prudence led us to take one more step and brought these anomalies to the attention of the National Bureau of Investigation (NBI) for proper extraction of facts, administration of justice, and for fair and immediate restitution,” ani Basas.
Bagama’t iniatas aniya ng batas sa lahat ng banko na pag-ingatan nang husto ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng mga depositor, nabigo ang Landbank na gampanan ito at sa kabila ng mga reklamo ng mga gurong nanakawan ng pera ay inabot ng ilang araw bago ito sagutin.
These direct attacks on teachers’ bank accounts, multiplied by the altogether-abandoned promise to double our salaries, the ignored benefits mandated by the Magna Carta for Public School Teachers, and the unending overall disdain toward teachers on institutional scale only work to strengthen our resolve and commitment to our fellow teachers’ security and well-being. We remain steadfast,” ani Basas.
Matatandaang nanindigan ang LBP na wala silang pananagutan sa pagkawala ng mga pera sa payroll account ng mga guro dahil ito’y hindi insidente ng hacking kundi phishing.
Ayon sa isang information technology (IT) expert, isang convenient excuse para sa mga inirereklamong kompanya kapag sinabing phishing ang naganap na cybercrime kompara sa hacking.
“Sa phishing ay kinukuha ang personal information sa pamamagitan ng pag log-in sa mga fake website kaya’t lalabas na kasalanan ito ng customer/user. Samantala sa cybercrime na hacking ay gumagamit ng tools para makopya ang sensitive data sa mga database o system. Kapag hacking ay may pananagutan ang kompanya o ahensiya ng gobyerno dahil napasok ang kanilang system,” sabi ng IT expert. (ROSE NOVENARIO)