Saturday , November 16 2024
Bulacan Police PNP

Sa 7 araw SACLEO sa Bulacan
P4-M DROGA KOMPISKADO 370 LAW OFFENDERS TIKLO

NASABAT ang kabuuang P4 milyong halaga ng ilegal na droga at nasakote ang 370 law offenders sa isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan police mula 24 Enero hanggang nitong Linggo, 30 Enero 2022.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, naipon ang P4,043,099.60 halaga ng ilegal na droga sa serye ng anti-illegal drug operations sa pinagsamang pagsisikap ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng municipal at city police stations ng Bulacan PPO, na nagresulta sa pagkaaresto ng 124 drug suspects.

Nasamsam ang 367 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 144.518 gramo; at 87 bloke ng tuyong dahon ng marijuana na may timbang na 25,126.9 gramo, kabilang ang sari-saring drug paraphernalia, at buy bust money.

Samantala, nadakip ang 21 most wanted persons at 53 iba pa sa magkakahiwalay na manhunt operations na ikinasa sa bisa ng warrants of arrest na isinilbi ng tracker teams ng iba’t ibang municipal at city police stations at Mobile Force Companies ng Police Provincial Office katuwang ang 301st MC RMFB-3, Bulacan PHPT, 24th Special Action Company (SAF), 3rd SOU-Maritime Group, CIDG Bulacan, Tacloban CIU, Sinait MPS, San Esteban, Ilocos Sur MPS, CIDG Ilocos Norte, at Dingalan MPS.

Gayondin, arestado rin ng mga elemento ng Bulacan police ang 162 suspek sa kanilang inilatag na anti-illegal gambling operations.

Naaktohan ang mga suspek sa sugal na tong-its, pusoy, bet game, billiard games, cara y cruz, mahjong, tupada at drag racing.

Sa operasyong Oplan Katok, nagbunga ng pagsuko ng 97 baril sa iba’t ibang police stations para sa nararapat na pag-iingat.

Nakompiska ang kabuuang siyam na baril dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban kaugnay ng Omnibus Election Code.

Dagdag sa operasyon ng Bulacan police ang na-impound na 1,037 hindi rehistrado at walang mga dokumentong motorsiklo para sa pag-iingat at beripikasyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …