Sunday , December 22 2024

Nakikialam sa DQ case ni Marcos,
‘SENADOR’ IBINUKING NI GUANZON KAY SOTTO

020122 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario

KILALA na ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang sinasabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na nakikialam para maantala ang desisyon sa disqualification (DQ) case laban sa anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand “Bongbong”Marcos, Jr.

Ayon kay Sotto, isiniwalat sa kanya ni Guanzon ang pangalan ng senador na umano’y nag-iimpluwensiya kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino na iantala ang paglalabas ng resolusyon sa DQ case ni Marcos, Jr.

Hindi muna papangalanan ni Sotto ang senador at ipinauubaya kay Guanzon ang paghahayag nito sa publiko.

Nauna nang sinabi ni Sotto na kapag may ebidensiya ay hihilingin niya sa Ethics Committee na busisiin ang isyu.

“Commissioner Ferolino talks to only one senator. The one who recommended her. She’s very close to a senator who recommended her –– in fact, who delivered a very long speech praising her to high heavens to the Commission on Appointments,” ani Guanzon sa panayam sa The Chiefs kamakailan.

Inihayag ni Guanzon kahapon, mas makapangyarihan sa kanya ang senador at sinasabing malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tutukuyin niya ang senador kapag nagretiro na siya at kapag siguradong iimbestigahan ng Senado.

“I want an assurance that when I mention the name, the Senate will investigate. I’m not going to mention the name and then nothing will happen. He is more powerful than me and he claims to be closer to the President. You wait for me to retire, when I’m no longer under your jurisdiction,” ani Guanzon.

Naniniwala si Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr., maliban sa Senado ay dapat din imbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang alegasyon ni Guanzon dahil makaaapekto ito sa kredibilidad at integridad ng 2022 elections.

“The identity should be revealed and the Senate should investigate. Even the DOJ should investigate. This is a serious allegation that undermines the credibility and integrity of the 2022 elections,” sabi ni Reyes.

“Ano pa kaya ang kayang impluwensiyahan ng politikong ito? Paano mapapanatag ang mga botante kapag may ganyang ganap?”dagdag niya.

Batay sa isinapubliko ni Guanzon na pagpabor sa DQ case ni Marcos, Jr., naniniwala siyang kumikilos ang anak ng diktador na parang walang bisa ang batas sa kanya.

May undisputed facts aniya ang kaso na maging ang kampo ni Marcos, Jr., ay hindi pinasubalian.

Nahatulan aniya si Marcos, Jr., sa isang “crime of moral turpitude” bunsod ng hindi pagbabayad ng kanyang income tax returns (ITRs) mula 1982 hanggang 1985, habang Pangulo ng Filipinas ang kanyang ama.

Ito aniya ay nagpakita ng “serious defect in one’s moral fiber.”

Inutusan aniya si Marcos, Jr., ng regional trial court at Court of Appeals na magbayad ng deficiency income taxes with interest.

Wala aniyang binayarang multa sa korte si Marcos, Jr., at inamin ito ng kampo ng anak ng diktador.

Kombinsido si Guanzon na ang ginawang paglabag sa batas ni Marcos ay isang crime of moral turpitude na batayan sa diskalipaksyon alinsunod sa Omnibus Election Code.

Bukas nakatakdang magretiro si Guanzon at kapag hindi pa rin inilabas ni Ferolino ang resolution sa DQ case ni Marcos, Jr., hindi na mabibilang ang opinyon ni Guanzon sa desisyon.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …