Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
lovers syota posas arrest

Mag-asawa timbog sa boga, shabu

ARESTADO ang mag-asawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Sapang Balas, sa bayan ng Dinalupihan, lalawigan ng Bataan.

Sa ulat mula sa Dinalupihan Municipal Police Station (MPS), kinilala ang mag-asawang sina Diosdado Romero, 54 anyos, at Fatimah Abella na nakuhaan ng apat na maliit na pakete ng hinihinalang shabu, marked money na ginamit sa operasyon, at isang kalibre .38 baril kasama ang mga bala nito na nakalagay sa isang bag.

Aminado ang mag-asawang suspek na gumagamit sila ng ilegal na droga at anila ay naangkat pa nila ito mula sa lungsod ng Caloocan.

Ayon sa mga awtoridad, matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa ilegal na gawain ng mag-asawa, agad silang nagsagawa ng paniniktik.

Nahaharap sa kasong paglabag sa pinaigting na RA 9165 o Dangerous Drugs Law at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang mag-asawang suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …