Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Trina Candaza Carlo Aquino

Trina umalis na sa bahay nila ni Carlo

MA at PA
ni Rommel Placente

MUKHANG totoo nga ‘yung lumalabas na balita na hiwalay na sina Carlo Aquino at ang live-in partner niyang model na si Trina Candaza, huh? 

Noong nag-text at chat kasi kami kay Carlo, noong unang lumabas ang balitang nagkanya-kanya na sila ng landas ni Trina, para tanungin o kompirmahin kung totoo ito, ay hindi siya nag-reply.

Noon naman kapag may gusto kaming malaman tungkol sa kanya o may isyu kaming pinapasagot sa kanya, nagri-reply siya, This time ay deadma siya. So, alam na this?

At noong Sabado, January 29, ay nag-post si Trina sa Facebook account niya ng bagong video na naka-upload din sa kanyang YouTube channel. Ang sabi niya sa caption, “Our New Home.”

Bungad niya sa video, “Hi, everyone! Obviously we moved to a new home. Bago na ‘yung tinitirhan namin.

“And dito ko pinili kasi if ever na mag-face-to-face, at least malapit na lang ako sa school at mabilis akong makauwi kay Mithi.”

So, base sa caption ni Trina sa kanyang video, umalis na sila ng kanilang anak ni Carlo na si Mithi sa condo na tiinitirhan nila, ‘di ba?

Pero sana ay maayos pa rin ang relasyon ng dalawa, na magkabalikan pa rin sila. Gaya nang nangyari noon kina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia na after maghiwalay ng ilang buwan ay nagkabalikan din agad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …