Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Resolusyon gustong i-hijack
SENADOR ‘PUHUNAN’ NG POLL COMM
Ferolino ‘kamote’ — Guanzon

013122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

SENADOR lang ang puhunan ng isang commissioner kaya nasungkit ang puwesto sa Commission kahit kapos ang karanasan bilang abogado.

Isiniwalat ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, na si Commissioner Aimee Ferolino ay hindi sumabak sa paglilitis sa hukuman, hindi nakapagsulat ng pleadings, at desisyon kaya ‘slow’ o mabagal mag-isip.

Noong  nakatalagang Election Officer sa Davao, si Ferolino, gusto sana siyang suspendehin dahil sa kaburaraan nang maiwala ang voters’ list sa kanyang pangangalaga. Pinatawan lang siya ng anim-na-buwang multa.

Ang track record ni Ferolino, ayon kay Guanzon, ang dahilan kaya dapat dumaan sa pagrerepaso at panayam sa Judicial and Bar Council (JBC) ang kandidatong commis­sioner ng poll body.

“They should go to the JBC so that they would be interviewed and review their track record. Look at Commissioner Ferolino, the reason I gave her more allowance than the other commissioner is because she has never practiced law in the court. She has never filed pleadings in court and written decisions and maybe that’s the reason she’s slow,” ani Guanzon sa panayam ng One News.

Inakusahan ni Guanzon si Ferolino noong nakaraang linggo na sinasadyang iantala ang paglalabas ng resolusyon sa disqualification case laban sa anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bunsod ng kumpas ng isang senador.

Ang naturang sena­dor aniya ang nagre­komenda kay Ferolino para maupong commis­sioner at todo ang papuri sa kanya nang sumalang  sa Commission on Appointments (CA).

Isa si Guanzon sa tatlong miyembro ng First Division ng poll body na magdedesisyon sa consolidated petition laban sa anak ng diktador kaugnay sa 1995 tax evasion case conviction.

Kabilang sa First Division sina Ferolino, at Marlon Casquejo.

Itinalagang ponente ng desisyon sa DQ case laban kay Marcos, Jr., si Ferolino ngunit hindi inilalabas ang resolusyon sa kaso kahit ang deadline ay noon pang 17 Enero 2022 at nakatakdang magretiro si Guanzon sa 2 Pebrero 2022.

Giit ni Guanzon, napagbibintangan na silang nasuhulan kaya hindi naglalabas ng desisyon sa DQ case, kaya’t napilitan siyang ihayag ang desisyon niyang pabor sa pagdis­kalipika kay Marcos, Jr., at tawagin ang atensiyon ni Ferolino.

“It never happened before that a ponente has ‘hijacked’ her resolution until a presiding commis­sioner will retire and therefore defeat my vote to disqualify Marcos, Jr.,” sabi ni Guanzon.

Hindi ‘binibili’ ni Guanzon ang katuwiran ni Ferolino na dinapuan ng CoVid-19 ang aboga­dong dapat magsulat ng resolution sa DQ case dahil bilang commissioner dapat ay alam niyang mag-akda ng desisyon.

“And then she gave me that excuse of that lawyer has covid. If they have covid, they are not the commissioner. You’re the commissioner, you should be writing the decision,” ani Guanzon.

“If she was not bought, she should release it already. It’s been 20 days and more. How long do you need to write a resolution? All the facts are admitted. Anyway… my golly, it’s a very simple case. I was also the ponente in the disqualification case of Pres. Duterte which I finished on time because it is matter of national interest,” dagdag niya.

“Aniya, hindi naman kandidatong barangay captain ‘yan, sa pagka-presidente ‘yan, hindi mo puwedeng patulugin. Maraming magagalit, maraming magra-rally.

Kahit ako ang Marcos loyalists. Bakit hindi mo pa i-disqualify ngayon? Kasi kapag nanalo ‘yan, tapos na-disqualify ng Supreme Court, he will be remove from office. Magkakagulo. Mga pulpol kayong abogado!” pahayag ni Guanzon.

Ngayong araw, Lunes, 31 Enero 2022, ang deadline na ibinigay ni Guanzon kay Ferolino para ilabas ang resolution sa DQ case ni Marcos, Jr., at kung hindi ito gawin ay isasapubliko niya ang pangalan ng senador na aniya’y ‘nagsususi ‘ sa commissioner.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …