Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Cubales

Model-philanthropist Marc Cubales bagong earth-angel ng industriya

MARC Cubales. Who?

        Ganito na lang. Kahit matagal na rin naman niyang nagalugad ang mundo ng showbiz, umarte, nag-model at kung ano-ano pa, sa lahat ng dinaanan niya all those years, this time, nandoon na siya sa parteng gusto mag-give back.

Kaya, ang matagal na niyang gustong gawing mag-produce ay sisimulan na. 

At magko-collaborate sila ni direk Jay Altarejos. Sinooooo?

Award-winning ‘yan. Huwag menosin.

Maiintriga ka naman sa gagawin nilang proyekto. Finding Daddy Blake.

Scandalous. Trending. 

Sa ngayon ilang pangalan pa lang ng mga baguhang mahuhusay ang lumabas sa usapan. Pero may araw na itatalaga sina Marc and Direk Jay para mag-audition pa.

Ang pasok na sa cast ay sina Dexter Doria at Rita Avila.

Si Marc? Pwede naman na gumanap pa rin siya. Sa isang markado (hindi naman Angela, ha!) na karakter. 

Pwede namang producer lang ako. Ang goal ko nga eh, mas maraming tao ang matulungan ko. Sa panahong mayroon tayo ngayon, kailangan natin ang makatulong.

“One more thing, sa maraming businesses na inaasikaso ko, gusto ko ring magbawas ng stress. And if you’re doing something you love, na sa akin eh ito na nga, ang gumawa ng pelikula, I know I will enjoy it with the people I will be working with!”

Si Marc ang bagong earth angel ng mga taga-industriya. Isama pa kay Direk Jay! 

We’ll find out! 

 (PILAR MATEO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …