PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
INAMIN ni Maris Racal na isa siya sa mga nag-audition para sa role ng Pinay superhero na si Darna. As we all know, napunta ang role kay Jane de Leon na nagte-taping na.
“Lahat naman yata dumaan, parang ipina-try. Oo, nag-try din ako. Nag-try din ako magsuot ng costume. It was fun, grabe. Super dami namin noon,” rebelasyon ni Maris sa interview niya sa PEP.
Pero tumanggi si Maris na pangalanan ang iba pang aktres na nakasabay niya sa audition. Sa halip ay inilahad na lang niya ang kanyang karanasan sa audition.
“Na-enjoy ko siya kasi exciting ‘yung fact na nag-o-audition ka for ‘Darna,’ and ‘yung lines, ‘yung rush niya. Masayang experience naman siya. ‘Yung mga ganoong moments, dapat happy ka lang or chill ka lang. Gawin mo lang kung ano ‘yung ipinagagawa nila,” ani Maris.
Hindi man niya nakuha ang role, happy si Maris para kay Jane.
Hindi man si Darna, pangarap pa rin ni Maris na makaganap na superhero sa pelikula.
“Dream ko rin talaga magkaroon ng superhero movie. Kakanood ko ito ng Marvel. Gusto ko na tuloy na may superpower.”