Sunday , December 22 2024
Rowena Guanzon Rappler Talk

DQ CASE NI BBM, ‘HELLO GARCI’ IN THE MAKING
Proteksiyon para kay Guanzon, hirit ng Bayan

DAPAT bigyang proteksiyon si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon dahil ‘vital witness’ siya sa impormasyon na may politikong nag-iimpluwensiya sa First Division ng poll body na magpapasya sa disqualification case laban sa anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Pahayag ito ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr., kasunod ng panawagan ng PFP sa Comelec na imbestigahan si Guanzon dahil sa pagsasapubliko ng kanyang boto pabor sa diskalipikasyon ni Marcos, Jr., at pagbatikos sa tila pananadya ng First Division na i-delay ang paglalabas ng desisyon at hinihintay ang kanyang pag-retiro sa susunod na linggo.

“She (Guanzon) should be protected dahil vital witness nga. Ngayon lang nangyaring may Comelec commissioner ang nagsisiwalat na may nang- iimpluwensiya . Usually ‘yung ibang commissioner ang nasasangkot sa kaso dahil nagpaimpluwesiya,” ani Reyes sa panayam ng Hataw D’yaryo ng Bayan.

“This could be another Hello Garci in the making. Reminiscent ito ng Hello Garci, politikong nang-iimpluwensiya sa commission,” dagdag niya.

Nanawagan si Reyes sa pamahalaan na ang imbestigahan ay ang politikong nakikialam at hindi si Guanzon na siyang testigo.

“Who is this politician trying to influence the Comelec? Shouldn’t there be an investigation by the en banc and shouldn’t this politician be cited in contempt?”

Naniniwala si Reyes na ang legal battle ay mapupunta mula sa Division tungo sa Comelec en banc hanggang sa Korte Suprema.

“The legal battle will ultimately shift from the Division to the Comelec en banc and the Supreme Court. The people should actively raise their continuing objection to the candidacy of Marcos, Jr,” aniya.

Sa kalatas, sinabi ng PFP na dapat ma-disbar, tanggalin ang retirement benefits at lifetime pension ni Guanzon dahil iniligwak ang kanyang desisyon sa DQ case ni Marcos, Jr., at nagdulot umano ng mantsa sa reputasyon ng Comelec.

Magugunitang niyanig ng Hello Garci scandal ang administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sanhi nang pagligwak ng kanilang pag-uusap sa telepono ni noo’y Comelec Commissioner Virgilio Garcillano habang ginaganap ang bilangan sa katatapos na 2004 presidential elections. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …