HARD TALK
ni Pilar Mateo
EXCITED ang award-winning director na si Zig Dulay.
Lilipad siya patungong Vesoul, France para mag-judge sa 28th Vesoul International Film Festival of Asian Cinema.
Ang kuwento ni Direk.
“Sobrang nagulat at na-excite ako noong matanggap ko ‘yung official letter of invitation, first time ko maging international jury member. Sa Feb. 1-8 gaganapin ‘yung 28th Vesoul International Film Festival of Asian Cinema, sa Jan. 31 ‘yung flight ko papunta roon. “
(The Vesoul International Film Festival of Asian Cinema, is an annual special-interest film festival focusing on the cinemas of Asia. The festical is held anjually in Vesoul, France. It was creatwd in1995 by Martine and Jean-MarcThérouanne who have been co-directing the festival since then.)
“May kaba factor na nararamdaman sa pagpunta sa France dahil sa Covid-19 pero sa wastong pag-iingat at pagsunod sa health protocols, baka puwede namang ilaban.
“Actually, last year pa ako naimbitahan, for 2021 sana kaso hindi natuloy ‘yung festival dahil sa pandemic — ngayon ay inilaban nila kaya laban na rin ako.
“Excited ako na makikita at makakasama ko si Leila Hatami, Iranian Actress na bida sa favorite kong pelikula na ‘A Separation”’ ni Asghar Farhadi. Siya ang magiging head ng jury.
(Leila Hatami is an Iranian actress. She is known for her work in Iranian cinema, including her performance in the Academy Award-winning film A Separation, for which she won the Silver Bear Award for Best Actress at the Berlin Film Festival. Wikipedia)
“At dahil first time ko, I’m sure marami akong matututunan hindi lamang sa mga insight mula sa kapwa ko jury members kundi sa mga pelikula na nakapasok sa mismong festival.
“Noon pa man, eager na akong malaman ‘yung iba’t ibang perspective ng mga actor at filmmakers mula sa iba’t ibang sulok ng mundo. With that, pakiramdam ko lumalawak din ‘yung pananaw ko sa pagkukuwento at pagpepelikula. At siyempre gusto ko ring malaman mula sa mga filmmaker kung ano-anong mga ginagawa nila sa kani-kanilang bansa para makagawa pa rin ng pelikula despite the pandemic.”
Kinatok at dinalhan ko lang ng donuts si Direk Zig, my kapitbahay, ang dami pala naming mapagkukwentuhan. Ito na lang muna for the now.
Pag-uwi niya from France, itutuloy na niya ang nasimulan niyang synopsis ng isang bigating pelikulang magtatampok din sa isang bigating aktor!
Bonne chance, Direk! Rendez votre pays fier (make your country proud!)!