PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
PABIRONG sinabi ni Janella Salvador na na-shock siya sa muling paglutang ng balitang naging crush siya dati ni Joshua Garcia, na nakapareha niya sa dating Kapamilya teleserye, The Killer Bride. Pero bawi niya, dati pa niyang alam iyon at napag-usapan na nila ni Joshua.
Sa nangyari kasing Truth or Dare sa isa sa mga benefit show ng ABS-CBN para sa mga nasalanta ng bagyong Odette ay ibinuking ni Daniel Padilla na may crush si Joshua kay Janella. Alam ito ni Daniel dahil malapit silang magkaibigan ni Joshua.
“Ah shockening!” pabirong reaksiyon ni Janella sa vlog ni Ogie Diaz. “Sinabi na naman niya ‘yun sa akin dati. Noong ‘Killer Bride’ pa, he told me at nakita ko rin ‘yung ibang interviews niya dati. So, napag-usapan na namin ‘yon ni Joshua. Ano ba ang reaksiyon ko? Natuwa ako sa kanya kasi ‘yung pagkasabi niya sa akin he really respects me. So ‘yun ‘yung maganda kay Joshua.”
May mensahe pa si Janella para sa aktor, “Magiging masaya rin si Joshua. Deserve niya.”
Samantala, muling magkasama sina Janella at Joshua sa inaabangang Kapamilya TV series na Darna. Si Janella ang gaganap na Valentina habang si Joshua naman ang leadingman ng bagong Darna na si Jane de Leon.