Monday , December 23 2024

Deception palabas na sa Jan. 28 sa Vivamax, relasyong Claudine at Mark Anthony may part-2?

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGPALITAN ng magagandang salita sa isa’t isa sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Ang former lovers ang bituin ng pelikulang Deception, na mula sa pamamahala ng batikang direktor na si Joel Lamangan.

Inabot ng26 years bago nagkasamang muli sina Claudine at Mark. Nabanggit nila ang napansin sa isa’t isa sa pinagsamahang pelikula na palabas na sa Vivamax ngayong January 28.

“Ang gusto ko kay Claudine ay naging independent woman siya,” pahayag ni Mark.

Ayon naman kay Claudine, “Working with Mark is very easy, and we really have a good rapport.”

Aminado ang aktres na matagal na ang plano nila ni Mark na magsamang muli sa isang pelikula, pero natagalan ito dahil wala silang makitang akmang istorya para sa kanilang reunion movie.

Hanggang sa dumating nga ang pelikulang Deception. “Matagal na ang planong reunion namin ni Mark but we can’t find the right material. Hanggang sa heto, nakahanap ng magandang script through Direk Joel Lamangan. Natagalan but it turns out this is the best project for us kasi it’s beyond the romcom genre. It’s a dramatic suspense-thriller that comments about the justice system in our country” esplika pa ni Claudine.

Nabanggit naman ni Mark na posibleng magkaroon ng part-2 ang kanilang love story ni Claudine.

Aniya, “Posibleng magkabalikan kung mangyayari in the next three or four years. Pero kapag lumagpas na roon, parang imposible na, iyon lang ang iniisip ko.Pero kapag in the next three or four years, nagka-jelling-jelling kami, puwede. Pero beyond that, hindi na ako aasa pa.”

Sa mundong mapanlinlang at puno ng kasinungalingan, gaano mo pinagkakatiwalaan ang mga taong malapit sa iyo? Alamin ang mga katotohanan sa likod ng kasinungalingan sa upcoming Vivamax Original Movie, sa pelikulang Deception na isang drama-mystery film.

Kuwento ito ni Rose (Claudine) isang sikat na aktres, at ni Jericho (Mark) isang stunt double, na nahulog ang loob sa isa’t isa at nagpakasal. Sa pagsisimula ng kanilang pamilya, nagkaroon sila ng anak at pinangalanang Thomas.

Kung titignan, isa itong maayos na pamilya na puno ng pagmamahal, pero ang inaakalang isang masayang pamilya na may magandang kinabukasan ay unti-unting masisira. Maaakusahan si Rose sa salang pagpatay sa kanyang asawa at makukulong ng sampung taon. Sa pagkakakulong ni Rose at pagkamatay ni Jericho, ang kanilang anak ay dadalhin sa bahay ampunan at mamumulat sa mundo nang walang magulang.

Pagkalaya ni Rose sa bilangguan, susubukan niyang magsimula ulit at buuin ang mga bagay na nawala sa kanya, isa na rito ang paghahanap sa kanyang anak na ngayon ay isa ng binatilyo. Pero sa pagbabagong hangad ni Rose ay babalik ang sakit ng nakaraan at malalantad ang mga kasinungalinang nangyari noon. Malalaman din niya ang puno’t dulo ng pagkasira ng halos perpekto niyang buhay.

Ang Deception ay reunion project nina Claudine at Mark na dating magkasintahan at love team noong ‘90s. Ito ang comeback ni Claudine sa pelikula matapos ang anim na taon.

Mula sa Viva Films at Borracho Film Production ni Atty. Ferdie Topacio, ang Deception ay mapapanood exclusive, simula ngayong January 28 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at America.

Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account. Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

Puwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore. Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna. Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., Sky Cable, Fiber, BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect at Zenergy Cable TV Network Inc.

Ginawa ring mas affordable ng VIVAMAX ang panonood ng inyong mga paboritong pelikula dahil ngayon, sa halagang P29, maaari ka nang mag-watch all you can for 3 days! At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting. Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …