Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mel Sarmiento Kris Aquino

Kris isiniwalat sama ng loob kay Mel: Paano babalikan ang taong alam mong ‘di ka minahal at ginamit ka lang

ni GLEN SIBONGA

PINABULAANAN ni Kris Aquino na nagkabalikan sila ng ex-fiance niyang si dating DILG Secretary Mel Sarmiento nang magkomento siya sa Instagram post ni Manay Lolit Solis tungkol sa kanila.

Sa IG post ni Manay Lolit, sinabi ng beteranang showbiz columnist at talent manager na balitang baka magkabalikan sina Kris at Mel. Hiling din ni Manay Lolit na mag-kiss and makeup na ang dalawa.

Maski ang netizens ay inakalang nagkabalikan na sina Kris at Mel matapos makita sa IG ni Kris na na-repost ang picture nila ng mga anak na sina Josh at Bimby kasama si Mel. Pero muli ring nawala ang post na ito.

Para bigyang-linaw ang lahat ay sumagot na si Kris sa IG post ni Manay Lolit. Inihayag niya ang kanyang mga saloobin lalo na ang sama ng loob sa ginawa sa kanya ni Mel, na aniya ay hindi siya totoong minahal at ginamit lang siya.

Ayon kay Kris, “No nay… hindi kami nagbalikan. I just felt PEACE in my – finally… kaya the past no longer felt like something I needed to erase.

“Iniwan n’ya ko Nay, when I was at my lowest and ginawa n’ya ‘yun via text matagal akong tahimik na nagdasal questioning if for both of us, was it ever really love or was it just grief, timing, and infatuation?

“I found MY answers because we finally got to talk over FaceTime audio a few nights ago… basing it on that final conversation it became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect I had left for him let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this.

It spoke volumes to me nu’ng nalaman ko from my Ate (Ballsy Aquino-Cruz) that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him & hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate.”

Hindi rin nagustuhan ni Kris na nag-imbento pa ng kuwento at ginamit ni Mel ang yumaong kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagsasabing naging close sila.

And siguro ‘yung final straw for me was the fact kinaya n’yang mag imbento ng napakaraming kwento bilang ‘patunay’ na close talaga sila ni Noy, eh, may parang Alvin (Gagui-Chief of Staff) si Noy, pero kung si Alvin 17 years with me, this person was with my brother for 28 years and kasing detalyado ang calendar of the people, places, events na napuntahan & nakasama ni Noy as Alvin is with me- mas grabe pa ‘yung kanya because from Congress 1998 to the end of Noy’s term in 2016 kumpleto talaga yung listahan.

“Nay, by now kilala mo ko – FAMILY will always come first, kahit may mga tampuhan or misunderstandings, at the end FAMILY loyalty pa rin ang uunahin. I feel OA ‘yung ginawang panggagamit sa nananahimik ng patay.

Kaya it was a relationship na ‘yung entire premise, what led to the closeness was my brother Noy- and because of what I had perceived to be their closeness (background lang: the 2 boys & I lived with Noy for the last 5 weeks before the May 2016 elections and Mel was a constant presence kasi maraming tinatapos na LGU issues).

“So paano magbabalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang? The End, Nay. Move on na…” mahabang paliwanag ni Kris.

Maraming netizens naman ang nagpahayag ng suporta at simpatya kay Kris. Kasama ang pagdarasal sa kanyang paggaling.

Bukas ang Hataw para sa pahayag ni G. Mel kaugnay ng mga isiniwalat ni Kris.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …